THIRD PERSON's POV
Makikita na tambak ng mga papeles ang lamesa ng lalaki habang abala siya sa pag-ti-tipa ng kung ano-ano sa laptop niya. Hindi mapalagay ang atensyon niya dahil halos mag-kasabay niyang ginagawa ang mga papeles sa lamesa at ang pag-la-laptop.
Sa tumbler niya ay mayroong mainit na kape na umuusok pa. Malaking tulong sa kaniya ang tumbler niya dahil hindi kaagad nawawala ang lamig nito pero ang laking hirap din sa kaniya dahil mag da-dalawang oras na ay hindi pa rin niya naiinom 'yung kape niya.
Hinilot-hilot niya ang sentido niya dahil bahagyang sumakit 'yon. Mahigit ilang oras na niyang pinagmamasdan 'yung mga papel sa harapan niya pero hindi niya alam kung paano sisimulan 'yon.
"Fvck this, it'll be the death of me." Bulong niya sa sarili at tinitigan ang makakapal na papeles sa harapan niya. "Hanggang titigan na lang ba tayo?" Aniya bago matawa sa sarili. Kulang na lang ay kausapin niya 'yung sarili niya.
Some of his close friends na kasabayan niyang nag-top ay kaniya-kaniyang IG stories na ng pagbabakasyon sa kung saan-saang lupalop ng mundo at nagpapakasaya. Habang siya, heto, hindi magkanda-ugaga sa mga gagawin niya. He should be in a meeting now with some of biggest lawyers in the country but here he is, stucked in his swivel chair for damn hours. He even lost count kung gaano na siya katagal naka-upo rito.
"Anderson, focus!" Paalala niya pa sa sarili niya.
Tila para siyang nag re-review tuloy ngayon dahil sa kapal ng mga papel sa lamesa niya. Iba't-ibang folders ang nandoon, naglalaman ng iba't-ibang kaso rin.
He sighed and picked them up as he placed them under his table, leaving one envelope and one folder. That contains Alcaraz's case.
Hanggang ngayon ay titig na titig siya roon at para bang hindi niya malaman kung dapat niya bang buksan 'yon o hindi. Dahil alam niyang sa oras na buksan niya 'yon, ay wala nang atrasan 'to.
Of all cases na na-handle niya, ito ang masasabi niyang pinaka-malaki at pinaka-mabigat sa lahat. Ang daming connected doon na pangalan ng ilang business tycoons. Hindi niya alam kung tama lang ba na idikit niya 'yung ilong niya ro'n at ilapit nang husto ang sarili niya.
Sa pag-iisip ay napunta ang atensyon niya sa telepono niyang bigla nalang tumunog.
Napa-kunot ang noo niya dahil unregistered number 'yon. Wala naman siyang ibang pinagbibigyan ng number niya. Isa pa, personal number niya 'to.
Kadalasan ay calling card ang binibigay niya, o kaya naman ay numero niya para sa mga clients niya. Pero hindi kailanman ang personal niyang numero.
Natapos sa pag-tunog ang telepono niyang 'yon nang hindi man lang niya nagawang sagutin.
He's about to re-dial the unregistered number when his phone beeped. This time, message naman ang pinadala ng tumawag.
From: Unregistered Number
You like playing games, Villavicencio, huh? Alright then. I'll give you what you want.
Pero hindi pa nagtatapos doon ang lahat, matapos ng mensahe na 'yon ay may pinadala pa itong litrato kung saan makikita ang bahay na tinitirhan ng nanay niya at ng lola niya.
Nag-simulang lusubin ng kaba ang dibdib niya at wala na siyang ibang naramdaman kung hindi takot at pangamba. Natatakot siya sa pwedeng mangyari, lalo na't maaaring madamay ang mga mahal niya sa buhay.
He gritted his teeth and stood up. He tried calling the unknown number, nakakailang ring pa lang 'yon ay may sumagot na.
"Who the fuck are you? Why are you doing this to me?"
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
