CHAPTER FORTY-EIGHT

10 0 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Bago pa man sumikat ang araw ay narating na ng lalaki ang lugar na pupuntahan niya. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito na makita ang pakay niya, at ngayong nandito na siya ay hindi niya na ito palalampasin pa.

Inignora niya ang cell phone niyang kanina pa tunog nang tunog. Panigurado'y iyon ang boss niyang sisinghalan na naman siya. Napakamot nalang siya sa ulo at pinatay ang telepono.

Muli niyang tiningnan ang address na nasa papel niya kung tama nga ba ang lugar na pinuntahan niya. Nakahinga naman siya nang maluwag nang mapag-tantong tama nga 'yon. At hindi siya naliligaw.

Itinigil niya saglit sa walang tao ang sasakyan niya at nag-suot ng itim na jacket. Nag-lagay din siya ng cap at nag-mask na itim matapos no'n ay bumaba na siya.

Paminsan-minsa'y pinagtatanong niya ang pangalan ng pakay niya sa mga taong madaraanan niya. At isa lang ang sinasabi nila, iyon ay hindi naman daw kalayuan ang bahay nito sa pamilihan na kinaroroonan nila.

Nang makuha niya ang eksaktong address ng bahay ng pakay niya at dali-dali siyang bumalik kung saan niya ipinarada ang sasakyan niya. Ngunit bago pa siya makabalik sa sasakyan ay isang pamilyar na bulto ng tao ang nahagip ng paningin niya.

Sa likod ng maitim niyang tabing sa bibig ay sumilay doon ang pag-kurba ng labi niya. "Got you." Bulong niya sa sarili at tahimik na sinundan ang lalaki.

Katulad nito ay naka-itim ding jacket ang binata at palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap at hindi mapakali.

Nang makalapit siya rito ay agad niyang hinawakan ang balikat nito upang patigilin sa paglalakad. Naramdaman niya agad ang pag-responde ng katawan nito, tila nanigas ang katawan ng binata at matagal bago siya lingunin nito.

"Atty. Anderson James.." Banggit nito sa pangalan ng binata. "How are you?"

Sa wakas, humarap na rin sa kaniya ang taong matagal niya nang hinahanap. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya.

"Ikaw.." Mahina ngunit punong-puno ng takot na saad ng lalaki.

Once again, a smirk formed in his lips. "Finally, attorney.." He said using his baritone voice. "It's nice to see you here."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang binata na narito ang lalaki at nahanap na nga siya.

Ilang beses niyang kinusot-kusot at kinurap ang mata dahil akala niya'y namamalikmata lang ito ngunit hindi. Sa harap niya'y prenteng-prente na naka-upo ang lalaki habang sumisimsim sa kape.

Itinukod niya ang mga kamay sa lamesa at lumapit nang bahagya sa kaharap. Luminga muna siya sa paligid ng kapehan dahil baka marinig silang nag-uusap.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"I was looking for you." Maagap na sagot ng lalaki.

"Paano mo nalaman 'tong lugar na 'to?" Tanong nito pabalik habang matatalim na tingin ang pinupukol sa kaniya.

"I have my ways, Attorney." Naka-ngising sagot nito at tiningnan ang kabuuan ng kausap.

Mula sa pagiging patpatin nito noon ay malayong-malayo na ang hitsura niya ngayon. Nagkaroon ng laman ang katawan nito at humahapit sa kaniya ang damit na suot. Marahan siyang natawa dahil sobrang pagbabago ang nangyari sa pinsan niya. Ilang taon na rin kasi simula noong huli silang mag-kita.

"Rick, ano'ng nakakatawa? Paano mo 'to nalaman?"

"I did my research, Anderson." Sagot nito. Hindi ganoon kadaling matunton ang pinaglalagian ng pinsan niya. Dahil ayon sa nakalap niyang balita ay taga-rito ang bagong kinakasama ng nanay niya kaya naman dito na rin sila nanirahan.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon