CHAPTER SIXTY

9 0 0
                                    

#HER POV

Pulang-pula kami nang matapos ang kissing scene na ginawa namin na 'yon. Kahit nang makabalik na kami sa restobar ay awkward ang sitwasyon namin. May kalahating oras na mula nung makaalis ang magulang niya pero heto't niyayakab kami ng kaba at hiya.

It's not as if it was the first time that we kissed! It's just that.. it's the first time that we kissed in front of his parents! Damn, may audience pa kami ngayon!

"Inom tayo?" Nagkatinginan kami nang sabay naming itanong 'yon sa isa't-isa.

"I'll order for us then.." Mahinang sabi niya, muntik ko pang hindi marinig 'yon dahil sa ingay ng tugtog. Pero dahil nagets ko naman ang ibig sabihin niya ay tumango na lang ako. I also excused myself na mag p-powder room lang ako.

Nang makarating ako sa powder room ay agad kong hinilamusan ang mukha ko at kinuskos kuskos pa ang pisngi ko para mawala ang pamumula no'n. I realized that it wasn't blush on! Natural na pamumula ng mukha ko 'yon dahil sa nangyari!

I just slapped my cheeks slightly. "Ayos mukha, Chelsea!"

I just retouched my ruined light make-up. Nag-matte lipstick lang din ako dahil bukod sa transfer proof 'yon ay long-lasting din.

Hindi nga nabura o nasira man lang kahit nag-halikan kami ni Gabriel. Bulong ko sa isip ko na agad ko rin iwinaksi dahil hindi ko naman na dapat iniisip 'yon!

"Act normal, Chelsea." I reminded myself for the nth time before leaving the powder room and get back to where Gabriel is.

Doon pa rin kami pumwesto sa kung saan kami nakapwesto kanina. May bucket of beers na rin sa table at mga pulutan. Nang makita niya ako ay tinapik niya ang tabi niya senyales na doon ako umupo sa tabi niya.

I smiled and sat beside him. "Beer lang iinumin natin?"

"No. That's yours. Um-order pa ako ng hard drinks for me," Malumanay niyang sabi bago sinandal ang ulo sa balikat ko. At dahil mas malaki siya sa akin ay kinailangan niya pang magpa-dausdos para lang malaya niyang magawa 'yon.

He then let out a heavy sigh. Ramdam ko ang bawat bigat ng loob niya sa buntong hininga na 'yon. Maybe ngayon lang niya nagawang pakawalan ang hirap at sakit na natanggap niya kanina.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng kausap ko kanina, duwag daw si Gabriel? Maybe he is. He's scared to show what he truly feels when he's surrounded by many people. He tend to keep everything in his closet and caged them up, not letting everyone to witnessed what burden he had been dealing with.

For almost a year na nakilala't nakasama ko si Gabriel, I could finally say that I know him— well, not that I know him.. deeply. But, at some point.. I know some of his pain, I feel his burden..

Hindi naman nag-tagal ay dumating na rin ang in-order niyang alak. Sa hitsura pa lang noon ay feeling ko malakas na ang tama no'n.

Ang hirap pang bigkasin ng pangalan!

"S-sa'yo 'yan?" I asked him matapos siyang umayos ng upo at nag-salin sa baso ng alak.

"Yeah, why? Wanna try?" Akma niyang sasalinan ang baso ko nang mabilis kong ilayo 'yon. Namilog ang mata ko sa taas ng alcohol level no'n. Halos nasa isang-daan!

"Spirytus Rektyfikowany... paano kapag lasing ka na? Paano mo na babasahin 'yan?"

He chuckled and softly pinched my cheeks. "Silly.." He rested his arm on my shoulder and rubbed my shoulder blaze. Pinanood ko lang siyang tunggain 'yung alak sa baso niya. I grabbed one bottle of beer and joined him.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. He just kept on rubbing my shoulders while drinking. Ako naman ay tumitikim ng finger-foods na pulutan namin habang dinadama ang magandang tugtugin.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon