HER POV
Malayo palang ay tanaw ko na agad si Ely na nakatayo at kumakaway-kaway pa sa'kin. Katabi niya si Cedrick na abala lang sa paglalaro ng susi ng sasakyan niya.
Pauwi na sana ako galing sa pag j-jogging nang makatanggap ng tawag galing sa mga 'to kaya naman imbes na dumeretso uwi ako ay dito na ako dumeretso sa coffee shop.
Nakakahiya namang lumapit sa kanila dahil pawisan pa 'ko at mga naka-corporate attire sila. Habang ako ay naka sports bra at sweatpants. Tagaktak pa 'yung pawis ko!
"Gaga ka, napaka-bagal mo. Dati ka bang pagong?" Agad akong napaupo nang hilahin ako ni Ely.
"Anong meron?" I asked them both.
They just exchanged stares before Ced stood up. Mag o-order lang daw siya ng pagkain para sa'min.
"May chika ka sa'min." Saad ni Ely.
Napangiwi naman ako. Hindi ba dapat patanong niyang bitawan 'yon? Kung may ichichika ba ako sa kanila?
Ano 'to, desisyon siya?
"Anong ganap niyo ni Cedrick?"
She slightly fixed her navy blue coat before answering me. "Kaka-out lang namin sa work. Hindi pa kami nakakauwi sa pamilya namin. Pero itong Cedrick nag-yaya rito."
Bumalik na si Ced sa table namin dala-dala 'yung mga pagkain. He ordered hot brewed coffee for him and Ely then bread and pasta. "Hot fudge choco. I know you don't like coffee." Inabutan niya rin ako ng carbonara at cinnamon roll.
Nag-umpisa kaming kumain. Saglit pa siyang nag-tanggal ng coat dahil natapunan ng kape 'yon. He's now wearing white long sleeves na naka-bukas ang tatlong butones kaya naman lumilitaw ang mapusyaw niyang balat.
"Hoy! Mata mo naman! Tama na 'yung dalawang lalaki mo! Idadagdag mo pa si Cedrick!"
"Pinagsasasabi mong dalawang lalaki?"
"Ay, 'di mo kilala? Sige, introduce ko sa'yo, ha? Una, ang actor-slash-model na si Helwinn Brix. Next, ang hottest CEO sa Pinas na si Gabriel Keilev. Aba 'teh, mag-tira ka naman!" Dahil sa sinabi niyang 'yon ay hindi ko napigilan ang sarili kong balibagin siya ng tissue.
"Girls, stop it." Ced seriously uttered.
Muli kaming umayos ni Ely at tahimik na kumain. Napatingin ako kay Ced nang mag-angat siya ng tingin sa'kin.
Napakagat naman ako sa labi ko nang mabagabag ako sa paraan ng pag-tingin niya sa'kin.
"Gavin." Pagtawag niya sa'kin.
Alam kong seryoso ang pag-uusapan namin dahil tinawag niya na 'ko sa last name ko.
"Ooh, scary.." Pang-aasar pa ni Ely habang humihigop sa baso niya.
I rolled my eyes at her and look at Cedrick. "May problema ba?"
"I heard everything. From Coronado's confession.."
Napayuko na lang ako at iniwasan ang tingin niya. "Wala akong sinabi sa kaniya. Hinayaan ko lang siyang sabihin lahat ng gustong sabihin tapos umalis na 'ko."
Totoo naman din. Matapos nung confession ni Gabriel ay umalis na 'ko ng kwarto niya. Anong oras na rin siguro ako naka-tulog dahil sa kakaisip do'n.
It's not as if that was the first time na may umamin sa'kin. Pero ibang klase naman 'yun! Hindi 'yon kung sino-sino lang! He's Gabriel Keilev Coronado for fuck's sake! Mabuti sana kung ordinaryong tao lang siya na kilala ko eh. But no! He's my mission! The subject of my mission!
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
