CHAPTER THIRTY-EIGHT

6 0 0
                                        

HER POV

Kinaumagahan ay naabutan ko pa sina Nanay at Gabriel na tahimik na kumakain ng almusal. Nang makita nila ako ay agad akong tinawag ni Nanay.

"Bihis na bihis ka, 'nak. May lakad ka?"

Gabriel looked at me then roamed his eyes on what I was wearing.

"Leaving early?"

Inayos ko na lang 'yung hanging blouse kong suot at tsaka 'yung jeans ko. "May aasikasuhin lang po." I told them both.

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Nanay Simeona at akma nang mag-ga-gayak ng pinggan para sa'kin.

Agad akong tumanggi at sinabing sa labas na lang ako kakain.

Gabriel stood up and wiped his mouth. Ngayon ko lang napansin na naka-business attire na siya at parang papasok na. "You seemed in a hurry. Was that really important?"

"Kinda." I replied. Palapit na sana ako sa pintuan para lumabas nang mag-salita siya kaya naman napatigil ako.

"Let's go, then."

"What?"

"I said let's go. I'll give you a ride."

Sa'yo?

Humagikgik naman ako sa naisip kong 'yon.

Pumihit ako para harapin siya. "I can manage."

"I insist." Pagpupumilit niya pa.

Sasagot pa sana ako nang mag-salita si Nanay sa likod namin. "Nak, mabuti pa nga'y sumabay ka na kay Gabriel." Sabi niya at lumapit sa'kin at inabutan ako ng paper bag.

Binuksan ko 'yon at nakita kong may tupperware ng mga pagkain.

"Baunin mo anak. Kaysa bumili ka pa sa labas."

I smiled at Nanay Simeona then kissed her cheeks. Hindi na rin ako umangal nang hablutin ni Gabriel 'yung kamay ko palabas ng bahay kung saan nag-hihintay na sa labas 'yung kaniyang latest model ng Aston Martin.

Hindi naman na kami nakipag-siksikan sa traffic dahil sa bilis magpatakbo ng sasakyan ni Gabriel. Kapit na kapit pa 'ko sa upuan kahit naka-seatbelt naman na 'ko. Mas inaalala ko 'yung paper bag! Baka matapon 'yung pinabaon sa'kin ni Nanay!

"Nagmamadali ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.

"Not really." He replied while his eyes were focused on the road. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang ang isa niyang kamay ay naka-patong sa may bintana ng sasakyan niya.

He looks so fucking hot while driving and at the same time he was chewing some gum.

"Pwede mo na 'kong ibaba d'yan sa may kanto."

"No. I'll drop you off exactly where you're headed to."

"Hindi mo alam kung saan ako pupunta." I whispered.

He cleared his throat and looked at me. "I know, Chelsea. I know."

I bit my lip then nodded my head.

Maya-maya pa'y umilaw 'yung phone niya kaya naman napatingin ako ro'n. Nakita kong may text galing kay Jallen.

"Baka hinahanap ka na-"

"They can wait." Mabilis niyang sagot at hindi na muli ako tiningnan.

Paano niya naman nalaman kung saan ako pupunta? E, hindi ko naman sinasabi sa kaniya?

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa hospital. Del Rio is a public hospital. Hindi na rin ako nagulat dahil dito na lang naman nila afford ipagamot si Mama.

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon