HER POV
"I'm glad you came early! Come, I'll introduce you to some business tycoons."
'Yun agad ang bungad sa'min ni Tita Vic nang makarating kami ni Gabriel sa isang private hotel and beach resort. Magka-hawak kamay kami ni Gabriel habang nasa isa niyang kamay 'yung mga gamit namin.
We were both wearing matching outfits. Naka white na floral dress ako then slippers habang naka-suot pa ng hat. Siya naman ay naka white na men's top then shorts. May suot din siyang hat na pang-beach.
Tahimik kaming naka-sunod sa mga magulang niya. Iginagala ko ang paningin ko para kuhanan ng picture 'yung nadadaanan namin. Preskong-presko 'yung hangin dito at tsaka ang light lang ng atmosphere. Relaxing.
Sa isang lounge hall kami pumasok at nakita namin doon ang ilang mga taong naka-corporate attire. Hindi ko alam kung mafia boss ba 'yung iba dahil sa dark aura nila. Nakaka-intimidate.
Hindi naman ako sanay humarap sa mga ganito.
Tito Gabriel and Tita Vic both speak in French language to have their attentions. Nakipag-kamay sila kay Gabriel kaya naman napabitaw siya sa gamit namin. They are talking in French language and I was just trying to cope up with them as much as I can. Tumango-tango na lang ako.
"Gentlemen, I think there's no need to introduce my son.." Natatawa pang sabi ni Tito Gabriel. Buti naman, nag-salita na sila sa alam kong language. "I'll just introduce you to that stunning lady beside him- his wife- Mrs. Chelsea Coronado.."
Kinamayan nila 'kong lahat at pinuri pa 'ko pero hindi ko magawang ibalik 'yung warm smile na binibigay nila sa'kin. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa pag-tawag nila sa'kin ng Chelsea Coronado.. I mean, yeah, I should be okay dealing with his name, it's just that.. hindi ko kayang sanayin 'yung sarili ko na gumagamit ng ibang last name.
Naki-sama na rin kami sa kanila mag-breakfast, para nila kaming in-i-interview dahil puro buhay "mag-asawa" ang topic namin. They asked us how did our relationship started, how did we met, when did we met and where did we met. They asked us how our relationship was going. Siyempre hindi mawawala sa topic 'yung kung kailan kami magkakaanak.
Like it was really important for the married couple.. well, yes, child is indeed important. But, we're not real couple to begin with! I don't even know why I agreed to do this in the first place.
At kung totoong mag-asawa man kami ni Gabriel, hindi ko alam kung gugustuhin ko bang mag-ka-anak. I was not born to give birth. Isa pa, hindi ko pa kayang mag-alaga ng ibang tao, sarili ko nga hindi ko kayang alagaan. Sirang-sira pa 'ko. Ayokong iparanas sa magiging anak ko 'yung nangyari sa'kin.
"Are you with me?"
Boses ni Gabriel ang nakapag-pabalik sa'kin mula sa pag-iisip.
Nandito pala kami sa may beach side at nag-e-enjoy ng view. Halos hindi ko na namalayan 'yung ganda ng tanawin dahil sa mga iniisip ko.
"Yeah, sorry. I was just thinking of something." I forced a smile.
Binaba niya 'yung hawak niyang camera at mabilis akong kinuhanan ng picture. Nagulat naman ako dahil may flash pa 'yon at hindi ako prepared! Baka mamaya mukhang pang meme 'yung itsura ko.
"Hey!"
"It didn't look bad!"
"Let me see!" Sigaw ko at pilit na inaabot 'yung camera sa kaniya para sana tingnan 'yung kuha niya pero nilalayo niya 'yon at tinataas pa niya.
Hanggang dibdib lang niya ako kaya hindi ko maabot 'yon. Sa huli ay napasimangot na lang ako at inirapan siya.
"Don't give me that face."
BINABASA MO ANG
Fourth of July
Ficción General"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
