CHAPTER FIFTY-FIVE

8 0 0
                                    

#HER POV

Sa isang araw pa naman 'yung ganap nila Gabriel but my things were already packed. Maliit na travel bag lang 'yung pinag-lagyan ko ng mga gamit dahil saglit lang naman kami roon. Ngayon ay back to normal na naman ang lahat, kung paano ang trabaho ko rito kay Gabriel noon. I do the cleaning, dishes, paminsan-minsan ay ako rin ang nagluluto.

Only when he told me to do so.

But most of the time ay si Nanay Simeona. Ako lang ang nag-liligpit pagkatapos.

Ngayon ay katatapos lang namin mag-tanghalian. Nanay cooked beef brocolli, I hate veggies but napakain talaga ako ng brocolli dahil ang sarap ng pagkakaluto! I mean, palagi namang masarap ang mga lutuin ni Nanay.

Inaasar pa 'ko ni Gabriel na baka raw lagnatin ako dahil kumain ako ng gulay. Well, yeah, we're back to 'asaran' na parang walang nangyaring negative aura sa amin back then.

Hindi ko naman na iniisip 'yon sa ngayon. I should focus on the present, and be ready and more wiser in the future.. without forgetting the past, I just took some rest trying to save the past.. even though I don't even know if I can be able to save that, or I am just making my hopes high.

"Fix yourself, Chelsea. Mom and Dad want to meet us by 3 PM." Kaswal na sabi ni Gabriel habang nakatuon ang atensyon sa pagtitipa sa laptop niya. Nasa sala kaming tatlo nina Nanay Simeona. As usual, nag-babasa na naman siya, binabantayan niya rin daw 'yung nilaga niyang kamote kaya hindi pa siya pumapasok sa kwarto niya.

Ako naman ay nanonood lang, I finished all my chores kaya inatupag ko naman ang panonood. I can't use my phone dahil naka-off pa rin 'to. Paniguradong marami na namang missed calls and messages sa'kin 'yung dalawa kong kaibigan.

"Matagal pa naman. 1 PM pa lang." Bulong ko.

"Yeah, and you think 3 seconds ka lang kung mag-ayos?" He laughed at it.

I rolled my eyes and said nothing. Ang yabang, akala mo naman siya hindi matagal kung gumayak!

I busied myself watching some random K-Drama on foreign channel. Hindi ko na namalayan 'yung oras dahil naaliw ako sa panonood. Kung hindi ko pa makitang wala na pala si Gabriel sa sala ay hindi pa 'ko aalis sa kinauupuan ko.

"Nasa kwarto niya na yata. Mag-ayos ka na. Trenta minutos na lang at mag a-alas tres na. Bubuga na naman ng apoy 'yung isang 'yon."

Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko pero bago ko pa mapihit ang door knob ay tumambad sa harapan ko ang katawan ni Gabriel. I gulped upon seeing his greek god body.

Wala siyang suot pang-itaas, tanging tuwalyang puti lamang ang nakatakip sa bewang niya. Lantad na lantad ang maskulado at perpektong hubog ng katawan niya. May mga tumutulo pang tubig mula sa buhok niya pababa sa dibdib niya.

Shocks! Living temptation!

Huh? What the fuck, Chelsea?

I shook my head and shrugged on that thought.

"Are you crazy?" Gabriel asked and sighed after staring at me down to my feet. "Natapos ko na 'yung pag-babad ko sa tub tapos ikaw ganyan ka pa rin? Aba, Chelsea. Alalahanin mong matagal kang gumayak. Baka mamaya pag-hintayin pa natin sina Mom--"

Hindi ko na pinakinggan ang pagsesermon niya at mabilis akong pumasok ng kwarto. I even slammed the door kaya alam kong halos umusok na ang ilong no'n sa galit.

I took a very quick bath. The bath tub looks inviting! My body's craving to lay down on bath tub and stock myself there, pero minadali ko na lang ang pag-ligo ko. Para na 'kong si Flash sa bilis kumilos. Daig ko pa ang naka-timelapse.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon