#HER POV
"Kumusta ang lagay niya?" Tanong sa akin ni Nanay Simeona nang madatnan niya ako sa kusina. Kasalukuyan kong nililigpit ang mga ginamit ko kay Gabriel kanina.
Nilingon ko siya matapos kong mag-punas ng kamay. Nakaladlad na ang buhok niyang kanina ay nakatali nang mababa. "Nakatulog naman na po. Pinaubos ko na rin po 'yung sabaw na ginawa niyo."
Ngumiti lang siya sa akin. Kumunot pa ang noo ko dahil sa paraan ng pag-tingin niya sa akin.
"Bakit po?"
Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Salamat sa pag-aalaga sa batang 'yon. Marahil alam mo na kung ano'ng araw ngayon, ano?"
"Opo.." Naalala ko na naman ang mga luhang pinagsaluhan namin ni Gabriel kanina. Kung paanong walang humpay siyang tumangis at kitang-kita ko ang labis na pag-sakit ng damdamin niya.
Ipinag-timpla ako ni Nanay ng gatas at black coffee naman sa kaniya. Inihain niya rin 'yung uwi kong manok at saka kami nag-usap. Tahimik lang akong nakinig sa kaniya the whole time na nag ku-kwento siya tungkol kay Gabriel.
Nalaman ko rin na muntik pa palang itanggi ng daddy niya na anak niya si Gabriel noong unang beses malaman ng media na may anak pa silang iba bukod kay Keagan. I've also learnt that there were times na itinatago nila si Gabriel sa isang sulok ng mansyon nila sa tuwing may darating na malalaking business tycoons sa kanila. Dahil para sa daddy niya.. malaking kasiraan si Gabriel sa mga negosyo nito.
Hindi naman daw makaimik ang mommy niya dahil sa labis na takot sa asawa. Parang hawak siya nito sa leeg. Wala siyang ibang choice kung hindi ang maging sunod-sunuran sa kagustuhan ng asawa.
"Si Keagan lang ang kakampi ni Gabriel noon. Laban sa magulang nila, laban sa maraming tao.. siya lang ang meron si Gabriel noon."
Paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko 'yon. I just couldn't imagine the pain that's he had to dealt with para lang sa magulang niya.
Hindi ko mapigilang hindi mapa-lingon kay Gabriel na ngayo'y payapa at tahimik na nagpapahinga. Kung titingnan ay parang ang gaan-gaan ng aura niya palagi, pero deep inside ay alam kong mabigat din ang pinagdadaanan niya.
Inabala ko ang sarili ko buong gabi sa pag-babantay kay Gabriel, nilinis ko na rin 'yung ibang bagay na nagulo niya. Mabilis din akong dinapuan ng antok kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan ay nagulat ako nang makita ang sarili ko na nakahiga sa malambot na kama ni Gabriel. Hanggang leeg din ang comforter na nakabalot sa katawan ko. Malinis na rin ang paligid na para bang walang lasing na nag kalat kagabi. Speaking of lasing, hindi ko na siya makita sa loob ng mansyon. Itatanong ko sana kay Nanay Simeona kung nasaan siya pero hindi ko na nagawa pa dahil tumunog na rin ang phone ko at nakatanggap ako ng text galing kay Gabriel.
Gab so hot
Half day lang ako sa office ngayon.
Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niyang contact name niya sa phone ko. Kapal talaga! Well, sige na, payag na rin ako.
Habang kagat-kagat ang sandwich na ginawa ni Nanay ay nag tipa ako ng reply sa kaniya.
So? Anong gagawin ko sa impormasyon na 'yan?
Wala pang ilang minuto ay tumunog ang phone ko ulit. This time, tawag naman ang gusto! Ni hindi pa 'ko nakakapag-hilamos!
Gab so hot
Pick up the phone, Cheliza.
Sa nabasa kong 'yon ay umikot nalang ang mata ko. Minadali kong hugasan ang mukha ko at bumalik sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
Ficción General"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
