CHAPTER FIFTY

9 0 0
                                        

THIRD PERSON's POV

Prenteng naka-upo sa gilid ng kama niya ang isang nilalang na may hawak-hawak na litrato ng isang babae. Ang kaliwang kamay niya ay may hawak na baso na puno ng alak, habang ang kabila ay abala sa pag-himas ng litrato ng isang babae.

"How many times should I warn you to stop what the fuck you're doing? Tsk." Napapalatak siya at iniling ang mga ulo. "You're so stubborn." Bulong nito sa litrato na para bang kausap niya talaga ang babae.

Ang litrato ng isang babaeng may katamtamang haba ng kulay tsokolate na buhok ang siyang kinakausap niya simula pa kagabi. Para na siyang baliw sa ginagawa niya, pero ito lang ang tanging alam niyang paraan para makausap at matitigan ang babae.

"You really like sticking your nose in other person's business, huh? Let's see what will happen next. Don't. Fucking. Try. Me." Nagtatangis ang bagang niyang pinang-gigilan ang hawak na litrato. Mula sa dating istura no'n ay ngayon ay lukot-lukot na.

Hanggang sa maubos niya ang iniinom niya ay hindi pa rin natatahimik ang isip niya dahil nababagabag siya tungkol doon sa babaeng tinititigan niya kanina.

"At least, I gave her warning, right? I'm still such a good person after all." Then a grin formed into that person's lips. Malapit nang matuyot ang utak niya dahil sa kaka-kausap sa sarili niya.

"Siya lang 'tong hindi nakikinig eh. Well, pasensyahan na lang talaga kapag nasagad ang pasensya ko." Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Nilabas niya mula sa drawer ng night table niya ang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang stick mula roon at sinindihan 'yon. "Lord, sorry.. I think I really can't resist cigarettes." Akma niya na 'yong ilalapat sa labi niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa isa sa mga tauhan niya.

Sinagot niya 'yon at agad ni-loud speaker bago humithit sa sigarilyo niya.

"Good news, boss.."

Dahil sa narinig ay agad siyang nangiti kaya naman napaubo siya. Inalis niya muna ang sigarilyo sa bibig para maayos na makausap ang tauhan. "You know where to find me."

"Be there in 5 minutes, boss."

Inayos niya ang sarili niya at itinapon ang sigarilyo. "God is good, huh? Was that your sign for me to stop smoking?" Tanong niya habang nakatingala na tila may kinakausap.

Pailing-iling ang ulo niya habang inaayos ang sarili. Marahan pa siyang sumisipol dahil sa tuwang nararamdaman.

"Gotcha." Muli niyang bulong sa hangin bago lumabas ng silid.

HER POV

Nang matanaw ko mula sa bintana ng kwarto ko na nakaalis na ang sasakyan ni Gabriel ay saka ako nag-ayos at bumaba na sa kusina.

"Wala na 'teh. Ang ganda mo para hintayin sa labas ng isang CEO." Bungad ni Elysha habang kumakagat sa egg chicken sandwich na ginawa niya.

"Gaga. Bakit ko naman bababain 'yon?" Inagaw ko sa kaniya ang sandwich na kinakain niya at umupo sa tapat niya. "Hindi mo man lang ako hinintay."

"Ang tagal mo eh." Umirap pang sabi nito at kumuha ulit ng sandwich para sa kaniya. "Nga pala, 5 am pa raw nasa labas 'yung sasakyan no'n."

Hindi na lang ako sumagot at inabala ang sarili ko sa pag-kain. 8:30 na ng umaga. He waited for that long? Ano na naman kayang kailangan niya sa'kin? Naka-Do Not Disturb kasi 'yung phone ko kaya kahit messages or calls ay wala akong natatanggap. As for Cedrick, if he wants to talk to me.. si Elysha ang tinatawagan niya.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon