#HER POV
Nang naramdaman kong tumigil na ang sasakyan ay doon lang napadilat ang mata ko. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil nangalay ang pang-upo ko sa haba at tagal ng byahe.
"We're here.." I heard him spoke beside me.
Kagigising lang din niya. Kumuha pa siya ng driver dahil hindi nga niya kaya pang mag-drive. Masiyadong malalim ang sugat at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang dugo no'n. Magalaw lang ay tutulo na agad ang dugo.
I insisted to drive instead, I may not know the way, but I'm sure Waze does. Pero huwag na raw at kumuha na lang ng driver para hindi na rin ako mahirapan at mapagod.
Kapwa kami nasa backseat. Saglit niyang inutusang ang driver na ibaba na 'yung mga gamit namin at dalhin na sa tutuluyan namin.
"Hindi pa tayo bababa?" Tanong ko nang makitang prente pa siyang nakaupo at nag-te-text.
He shook his head. "Not yet.. We'll wait for the twins and the rest of the company." Nauna kasi kami dahil hindi naman kami nag-stop over kung saan-saan para kumain.
Unlike the twins, na kasunod ang isang van na lulan ang mga tao sa kompanya... pahinto-hinto sila dahil may mga kumakain.
Kami ay nag-drive thru lang tapos sa sasakyan na kumain. Bago ang sasakyan ni Gabriel kaya naman sa sobrang hi-tech ay may pinipindot na button 'yon para sa mini-dining area.
"Hi-tech naman pala! Sana tinransform mo na rin into bed 'yung upuan!" Reklamo ko pa.
"Hindi mo naman sinabi,"
"Do I really need to tell you that?" I rolled my eyes at him.
He just make face and stuck his tongue out. "Daldal mo, tahimik ka muna. I'll call the twins."
"E'di tawagan mo!"
"Cheliza, will you shut your mouth or I'll kiss you?"
Wala na, suko na ako ro'n. I picked up my phone and leave his car. Nagtanong pa siya kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang siya pinansin. The scorching heat of the sun welcomed me and embraced me. Masakit na sa balat ang init pero hindi naman gano'n kalala ang tindi ng sikat ng araw. Vitamin din 'to sa umaga.
Hinayaan kong mag-libot ang paningin ko habang pinagmamasdan at namamangha sa ganda ng tanawin. It was more of private resort. Liblib ang lugar at parang isang kayamanan ang isla rito dahil tinatago 'yon ng malalaki at matataas na puno.
Maaliwalas ang tanawin, at puro berde ang nakikita ko. Maganda rin ang lugar at presko. It was beyond perfection! Good thing they chose a very nice place to do their team building.
I took photo of the scenery, but couldn't post it on my story because there was no signal! Pawala-wala ang bar ng signal, tapos madalas ay wala talaga.
Hindi naman nag-tagal at dumating na rin ang kotseng dala-dala ng kambal, kasunod na rin nila ang suv. Lumabas na si Gabriel sa sasakyan niya at tumabi sa'kin. He rested his arm on my waist then pulled me closer to him.
"Wife.."
"What the fuck-"
"You're my wife.. remember?" He gave me 'wtf' look and mouthed his people. They were all looking at us and smiling happily.
"Sweet, boss!" Sigaw pa ng isa.
Binigyan ko na lang sila ng pekeng ngiti at humawak din sa bewang niya. Pumasok na kami sa loob ng tutuluyan namin. Tatlong eleganteng malalaking rest house ang bumungad sa amin. Gawa sa kawayan 'yon, parang sinaunang bahay— pero maaliwalas ang dating at kitang-kita ang halong modernized style no'n.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
Ficção Geral"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
