HER POV
"I.. I'm full. Let's go." I grabbed the table napkin and wipe my mouth. Agad na 'kong tumayo at hindi ko na hinintay pa 'yung sasabihin niya. Dere-deretso akong nag-lakad palabas ng restau hanggang sa marating ko 'yung parking lot kung saan naka-parada 'yung Audi niya.
Nang makasakay ako sa sasakyan ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pinapakiramdaman ko 'yung dibdib ko dahil parang kakawala na 'yung puso ko sa rib cage nito.
Sobrang nahigit 'yung hininga ko sa sinabi niya. Feeling ko aahon na lahat ng kinain ko dahil sa sinabi niya.
I was too shocked, and until now, I still can't believe everything that he said. Ayaw mag-sink-in sa'kin lahat. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong maniwala sa sinabi niya, o hindi. Pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko?
Para akong mababaliw! This is not right. Kailangan kong pigilan 'tong kung ano mang emosyon ang nararamdaman ko, hanggang maaga pa.. hangga't kaya ko pa.
"Bakit ka umalis agad?" Gabriel asked nang makapasok siya sa driver's seat.
"Wala." I coldly replied. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas.
Napansin kong hindi ito ang dinaanan namin pauwi sa bahay nila, mukhang ibang way ang tinatahak namin pero hindi na lang ako umimik pa. Hindi naman siguro niya 'ko ililigaw dito.
Couple of minutes later, I realized na pumasok kami sa parking lot ng isang mall dito sa Greece.
"Dito na lang ako." Pigil ko sa kaniya nang akma na siyang bababa sa sasakyan niya.
Nilingon niya 'ko at kinunotan ng noo. "Why?"
"Nothing."
"No. You'll come with me." He insisted. Umikot na siya para pag-buksan ako ng pintuan.
The moment I stepped out of his car, his hand immediately wrapped around my waist while he was holding his phone using his free hand. Tahimik lang akong nasa tabi niya at sumasabay lang sa bawat pag-hakbang niya.
We spent a couple of hours shopping in that mall, he bought clothes for him and other men's necessities. Also, he bought dress for me, may pambahay, pang-alis, pang-tulog, he even bought me shoes and heels, and bags. I don't know what's with him but I couldn't bring myself to ask him.
Mag-ga-gabi na nang makauwi kami sa bahay nila. Siya na 'yung nag-presinta na mag-ayos nung mga pinamili namin. Sa totoo lang, hindi ko na halos nagagampanan 'yung role ko as his personal maid dahil madalas naman siyang wala sa bahay. Tsaka, minsan inaako niya 'yung mga gawain. I don't know what's with him. He's hard to read.
Nag-linis ako ng katawan at nag-suot ng bago niyang binili sa'kin na nighties. Pag-baba ko sa kusina ay naghahanda na siya ng dinner namin, nang lingonin niya 'ko ay doon ko lang napansin na terno pala kami ng pang-tulog.
Blue na ternong silk clothes 'yung sa kaniya na may print na Stitch. Tapos 'yung akin naman, pink na ternong silk clothes na Stitch din, pero pink.
"Cute.." He chuckled.
Inirapan ko na lang siya at umupo na sa harapan niya. Until now, naiilang pa rin akong tingnan siya nang matagal dahil naaalala ko 'yung sinabi niya sa'kin kaninang umaga.
I don't know if that were all true, or if he really meant it, every single bit of it. Maybe he just got excited? Or he just got attached with the feeling of it, I don't know. Hindi ko naman magawang tanungin siya dahil do'n.
Maski ako ay hindi handa sa pwede niyang isagot.
I only came here for the mission, 'yun lang ang dapat kong i-tatak sa isipan ko.

BINABASA MO ANG
Fourth of July
Narrativa generale"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.