CHAPTER FORTY-ONE

4 0 0
                                    

HER POV

Balak ko pa sanang matulog nang mas mahabang oras pero kanina pa tunog nang tunog 'yung alarm clock ko. Nag-set kasi ako ng alarm kagabi after receiving Helwinn's schedule. Kinailangan ko pang kuntyabahin si Ate Wynona na ibigay 'yung kopya ng schedule ni Helwinn.

Good thing she didn't ask why.

As if naman sasabihin ko rin 'yung dahilan ko.

Bumangon na 'ko at nag-ayos ng sarili. Before lunch 'yung free time ni Helwinn. I cleaned my room and took a quick hot bath. I had no plans on taking a hot bath, 'cause I wasn't fan of it. But it's too cold, pakiramdam ko isa na 'kong tocino sa ref.

Nag fitted crop-top lang ako then lose pants tapos sneakers. Hindi na 'ko nag-abala pang mag-luto ng pagkain dahil si Helwinn lang naman ang sadya ko ro'n. Isa pa, he's not answering to all my calls and messages. Maybe a bucket of chicken joy will loosen him up. He just loves chicken joy that much.

Nag-aalmusal na si Nanay nang lumabas ako. Abala si Gabriel sa pag ta-type sa laptop niya sa salas. Parehas silang napalingon sa'kin.

"Morning, 'nak."

"Morning."

They both greeted me in chorus.

"Morning." I smiled at them. "Alis ako ngayon." I told them.

Natigil si Nanay sa pag-kain at gano'n din si Gabriel na kanina ay focus sa laptop ang atensyon.

"Where the hell are you going?" Gabriel asked.

"D'yan lang."

"Gusto mo mag-baon ng pagkain, 'nak?" Nanay asked and was about to prepare some foods when I immediately answered 'no'.

"Sa labas na lang po ako kakain." Tumango na lang si Nanay at sinabihan akong mag-ingat. Gabriel stood up and closed his laptop.

Ngayon ko lang din napansin na hindi siya naka pang-trabahong outfit. He's just on his plain black v-neck shirt na hapit na hapit sa katawan niya, he's wearing sweat pants and specs. Like his usual attire when he's just inside his house.

"Wala kang trabaho?"

"Tomorrow." He answered then fixed his specs. "Want a free ride?"

"No, thanks." Sagot ko at mabilis na umalis.

Bago ako makapuntang studio ay dumaan muna ako sa malapit na fast food chain para bumili ng bucket ng chicken joy. I even bought him fries and burger. Water na lang sa drink niya dahil hindi naman siya mahilig sa soda.

Laking pasalamat ko sa taxi driver nang ibaba niya ako mismo sa tapat ng studio. Hindi naman kasi pwede 'yung taxi doon sa tapat mismo, it's either nahuhuli, or bawal talaga. Pero binaba ako ng taxi driver sa tapat mismo kaya hindi na rin ako nahirapan pa mag-lakad.

Nag-dagdag na lang ako ng bayad sa kaniya.

"Good morning po, Ma'am Chelsea." Bati sa'kin nung guard. Binati ko na lang siya pabalik at nakipag-apir sa kaniya.

Inalok ko pa siya ng manok kung gusto niya pero umayaw naman siya at nag-pasalamat na lang.

Bawat masalubong ko sa studio ay binabati ako at sinabi kung nasaan si Helwinn.

Hindi naman na 'ko nahirapan pang hagilapin si Helwinn dahil nakita ko siyang pumasok sa may dressing room niya habang nag ce-cellphone.

Bitbit ko ang dala-dala kong pagkain para sa kaniya ay marahan ko siyang sinundan sa room, nakaawang ang pintuan no'n kaya naman dahan-dahan na 'kong pumasok.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon