HER POV
Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong dilat ang mata at pinagkakasya ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Natapos ko na 'yung isang makapal na horror book, pero heto't gising pa rin ako.
Napatingin ako sa mga sachet ng kape na nasa side table ko. Ilang kape na rin ang naubos ko para lang hindi ako makatulog. Pasulyap-sulyap ako kay Gabriel at kagaya ng pwesto niya kanina ay ganoon pa rin siya, natutulog na parang bata at nakaharap pa sa side ko. Nakalaylay ang paa niya dahil masiyado siyang mahaba para mag-kasya sa couch ko.
Hanggang sa lumiwanag na at nasikatan na 'ko ng araw ay tsaka pa lang ako nag-ayos. I took a quick bath and fixed myself. Wala na si Gabriel nang lumabas ako ng cr, maayos na rin 'yung blanket na pinahiram ko sa kaniya kagabi. Nakatupi na 'yon at nakasampay sa arm rest ng couch.
I cooked bacon, eggs, hotdogs and ham for the breakfast. I even made fried rice and toasted bread. I made him coffee and honey lemon drink for me.
"Morning."
Napatigil ako sa paghahanda ng pagkain nang marinig ko ang boses niya. Awtomatikong napalingon ako sa kaniya. Nakabihis na siya ngayon ng pang-business at may bitbit na folder.
"I prepared these. You should eat first before leaving,"
Umupo na siya at sinimulan ko siyang handaan ng pagkain. Naiilang ako dahil kada galaw ko ay nakatingin lang siya sa'kin.
Hindi ko alam kung may dumi ba sa mukha ko o kung may binabalak na din siyang masama sa akin.
"Wait, you're not eating?"
"Kumain na 'ko kanina pa." Tipid na sagot ko na lang. Kahit ang totoo ay wala pang laman 'yung tiyan ko.
Tumango na lang siya at nag-simulang kumain. Inabala ko naman ang sarili ko sa paglilinis ng bahay.
Kinabukasan ay gano'n pa rin ang gawi namin ni Gabriel. Tamang pinagsisilbihan ko na lang siya, pero hindi na ako masiyadong lumalapit sa kaniya kung alam ko namang nagawa ko na 'yung trabaho ko. Napag-usapan rin namin ni Cedrick na hangga't maari ay dumistansya muna ako kay Gabriel at 'wag muna makipag-usap sa kaniya kung hindi lang rin work related.
Nakalipas na ang ilang araw mula nung makita ko 'yung mga papel at albums pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa'kin ang takot at kaba. Na anytime ay pwedeng gawan niya rin ako nang masama.
Gustong-gusto kong tuklasin o malaman ang totoong kwento sa likod ng mga litrato at sulat na 'yon pero hindi ko naman magawang mangielam.
"Balisa ka. Any problem?" Napalingon ako kay Helwinn na kakalabas lang ng cr at nakapag-palit na siya ng mas preskong damit at sweatpants.
I shook my head. "Wala naman. Pagod lang siguro ako."
Which was half true, umaga pa lang ay nandito na 'ko sa studio nila para mag-practice. I made sure na may nakahanda nang pagkain para kay Gabriel. Sa daan na lang ako kumain. Hindi na rin ako nagawang sunduin pa ni Winn dahil may shoot sila kanina.
Speaking of which, I have met her leading lady— Rica Mendez. She's breath-takingly beautiful. Same height sila ni Winn at maganda ang hubog ng katawan. Perfect for being actress and at the same time, model.
"Are you up for another hour of practice?" Lumapit sa'min si Direk Ryan at tiningnan ako. Kanina pa nag re-reklamo 'yung katawan at paa ko pero tumango na lang ako sa kaniya at sinabing kaya ko pa naman mag-practice.
They were all congratulating me and giving me compliments na I'm doing very well daw at bagay sa'kin ang pag mo-modelo. Hindi naman na bago sa'kin 'yung ganoong mga naririnig ko. Mula pa man noon ay nakakatanggap na ako ng gano'ng papuri mula sa mga kakilala ko.

BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.