HER POV
"Nakakadiri kayo. May tunog pa 'yung halikan niyo, mga baboy!" Reklamo ni Cedrick habang pinapakinggan 'yung recorded infos ko du'n sa phone niya.
"Nagulat nga lang rin ako na hinalikan niya 'ko!"
"Sinasabi ko sa'yo, Chelsea. Itigil mo 'to. 'Wag kang bibigay do'n." Pag-papaalala niya pa sa'kin. May kasama pang duro sa'kin 'yon kaya tumatango-tango na lang ako.
Maaga pa lang ay nakipagkita na siya sa'kin dito sa may internet café para daw mag-meeting kami sa mga susunod naming gawin. Syempre, ni-review niya muna 'yung recorder ko, at gaya ng inaasahan kong reaksyon niya ay halos sumakit ang mata niya kakairap nang mapakinggan 'yung ilan sa mga usapan namin ni Gabriel.
"Masiyado kang nag-e-enjoy sa mansyon, Chelsea. You have to focus on nothing but your freaking mission."
I nodded my head and sipped on my coffee. Ka-text ko rin si Winn at sinabi niyang pupuntahan daw niya 'ko para naman makilala niya rin si Cedrick.
Sinabi ko naman 'yon kay Cedrick at wala naman naging problema.
"Anyway, Ceddy.."
"Hmm?" His eyes were still focused on his recorder phone at may kung anong inaayos do'n.
"Gabriel knew my full name."
"So?"
"What? Anong 'so'? Paano na 'yan? Mabubuko na ba 'ko nito?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Nagsisimula na 'kong kabahan. Baka mamaya pinapaimbestigahan pala 'ko no'n, e'di madali niya na lang akong mapapatalsik sa mansyon niya!
That means, posibleng masira 'yung mission ko.
And that, I won't let that happen.
Nang mapansin niyang nakatulala na 'ko ay itinabi niya muna 'yung ginagawa niya at hinarap ako. "Hey, look at me. I got you, okay? You have nothing to worry."
"What do you mean?"
"Here.." He said then placed a long brown envelope on the table. Iniwas niya pa 'yon dahil nadikit sa moist ng iced coffee niya.
Kinuha ko 'yon at binuksan. Nakita ko 'yung picture ko at may ilang infos about me na nakalagay do'n. My full name, my age, my birthdate, some basic infos about me are here.
"As you can see, walang infos ng mga parents mo d'yan. Sa'yong infos lang 'yan. When I say I got you, I mean it. Kaya 'wag ka nang mag-alala. It's no big deal if he already knew your basic infos. I've arranged your original file before Pres. Precy teamed you up with me." He comfortably said while wiggling his eyebrows up and down.
Nawala naman ang kaba ko dahil doon. Saglit ko pang tinitigan ang papel na hawak ko. Kung pinaimbestigahan man ako ni Gabriel, I'm sure basic infos lang rin ang nakalap niya about me.
Ceddy was right after all. I have nothing to worry about.
"Bakit may pictures pa 'ko dito?" I asked him. May mga kasamang pictures ko 'yung papel na pinakita niya sa'kin. Halos puro throwback pictures ko 'yon, kaunti lang 'yung present pictures ko na.
Nag-kibit balikat lang siya. "Oo nga, 'no? Hindi ko napansin 'yan.." Bulong niya pa. "Anyway, baka type ka nung nag-investigate sa'yo."
"Type my ass."
Tinago ko na lang 'yung mga 'yon at ibinalik na sa kaniya. Wala akong balak dalhin pa 'yon pabalik sa mansyon baka pag-diskitahan pa ni Gabriel.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si Winn. Awkward pa silang nagkatinginan ni Cedrick at parehas natawa dahil halos parehas sila ng suot. They're both wearing black shirts tapos may denim jackets sila. Parehas rin silang naka nude color na cap. Ang kaibahan lang, naka-facemask si Winn.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
