CHAPTER SIXTY-THREE

9 0 0
                                    

#HER POV

Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko. But one thing is for sure, gustong-gusto kong sumabog sa galit ngayon. How could she bring up that?! Nang gano'n-gano'n lang?!

"You're causing a scene, iha. Very scandalous," Madiin pero mahinang usal ni Tita Victoria. Nakahawak ang kamay niya sa dibdib niya habang hindi inaalis ang tingin sa pinsan ni Gabriel.

Finally, after a seconds of silence.. she burst out a sarcastic laugh. "Gosh, really, tita? Ako pa? I'm just here to greet my dear cousin a happy birthday. What's wrong with that?" Pakikipaglaban niya pabalik.

Lumuwag ang pagkakakapit ni Gabriel sa braso ko at nilapitan ang pinsan niya. Akala ko'y sasaktan niya ito pero hindi. He remained calm but he's red as hell. I know he's mad.

I mean, who wouldn't be?

"Why are you here? You're not even invited."

"Aww, that hurts.. how could you forget your dear cousin, Gabriel? Aren't you happy that I'm here?" Pang-aasar pa nito at hinahaplos pa ang mukha ni Gabriel. Sukat doon ay mabilis na tinabig ni Gabriel ang kamay ng pinsan niya paalis sa mukha niya.

Umawang ang labi ng babae dahil sa gulat, mukha rin siyang nasaktan dahil siguro'y hindi niya inaasahan ang magiging responde ni Gab.

"You're ruining my birthday celebration. Look, I don't wanna be rude, but you're pushing me to do things—"

Maagap na pinutol ng babae ang sinasabi ni Gabriel. "Things like what? Like how you killed your wife's father? Like how you showered him with gunshots until he bleeds to death?"

Sa narinig ko ay mabilis akong lumapit sa kanila at walang ano-ano'y dumapo na lang ang palad ko sa pisngi ng babae. Napasinghap ang mga tao at alam kong maski siya ay nagulat. Hawak-hawak ang pisngi niya'y muli na naman siyang umismid. "Dear, how dare you? Ako lang ang kakampi mo rito! Ayaw mo bang malaman ang totoo?!"

"Stop it! Wala kang alam!" Sigaw ko pa. Nararamdaman ko na 'yung ugat sa leeg ko na gusto nang lumabas. Halos maputol ang ugat ko sa galit pero wala na 'kong pakialam.

"Wow? Ako ang walang alam?" She fixed herself and licked her lips. "Baka ikaw ang walang alam."

Sasagot pa sana ako pero pumagitna na si Gabriel at hinigit ako papunta sa likod niya. He began pointing fingers at his cousin and throwing words.

Minutes later, nag-datingan ang mga guards at pilit na pinapaalis 'yung pinsan ni Gabriel. Pati mga bisita ay tinataboy na rin siya pero hindi siya nagpapatinag. Sa huli ay tinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko.

"Okay, fine. Aalis ako." Sabi pa nito at may nilabas na flash drive, kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang flash drive. "Keep it, honey. Malilinawan ka once you get to watch everything." Aniya at mahinang tinapik ang pisngi ni Gabriel. "Happy birthday, cous." She then smirked as the guards escorted her out.

Nakaalis na siya pero nagkakagulo pa rin ang mga tao. Napuno ng bulongan ang paligid. Napatingin ako sa gawi nina Elysha at Cedrick, they're both murmuring something pero parang nawawala na 'ko sa ulirat. Hindi ko na halos alam kung ano ang gagawin ko, kung sino ang kakausapin ko.

Then I felt Gabriel's hand, he gripped my arms and made me look at him. "Chelsea, give me that."

Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kaniya. Nagtutubig ang mata ko pero nagawa ko pa ring maaninag ang namumuong luha rin sa mata niya. May sinasabi pa siya pero hindi ko na 'yon maintindihan.

Parang bigla akong nanlata, nanlalambot ang tuhod ko at inipon ko ang lahat ng lakas ko para alisin ang kamay niya sa braso ko.

"Chelsea, listen to me." Tawag niya pa sa'kin pero hindi ko siya nilingon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon