T H I R T Y - O N E

37 4 0
                                    


Nagkuha si coach ng malaki na room para saming lahat ng lalaki. At syempre hiwalay si Moxie at Sen.

Sobrang lawak ng kinuha ni Coach at kasyang kasya kaming lahat.

Kami ni Lance ang tabi don sa isang kama.

Nagshower muna ako dahil nanglalagkit na ako. Pagkatapos bumaba na ako sa cottage namin.

Grabe ang ganda dito. Rinig na rinig namin ang bawat hampas ng alon. Pati simoy ng hangin ansarap sa pakiramdam.

Nakakarelax...

Sana sa gantong paraan marelax si Sen. Diko alam pero parang andami dami nyang dinadala.

Ang hirap kasi ayaw nyang tulungan o samahan ko sya.

"Capppp! Pogi natin a" banggit ni Benj

"Tsk."

Bumaba si Moxie kasunod si Sen. Nakasandong itim si Sen tas nakashort.

Umiwas ako ng tingin.

"Okay lang yan Cap alam kong lalaki ka talaga" bulong ng demonyo

"Ulol Nick" sabi ko

"Ulol daw pero namumula--sabi konga tatahimik na ako" sabi nya ng tingnan ko sya ng masama.

"Hala coach ang gandaaaaa ditoooooo! Mas bet ko dito kesa mag gala kung saan. Bibili nalang ako swim suit" sabi ni Moxie.

"Malawak dito. May mini bar din doon sa medyo dulo" sabi ni Coach

Nilibot ko ang paningin ko at andaming tao pala.

"Sennnnnnn look oh! May pogiii shet" sabi ni Moxie

Napatingin ako kay Sen na nakangiwi.

Pfftt tomboy talaga hahaha.

"Lalayo paba kayo girls e andito lang kami" sabi ni Nick.

Tumingin si Moxie samin isa isa.

"Over my dead super sexy and gorgeous body. Kadiri kayo pwe." sabi ni Moxie.

"Upakan naba natin ito?" biro ni Jans patukoy kay Moxie

"Sige sub--"

"Kahit ako Moxie Chantal?" tanong ni Damian na nakangisi.

Biglang namula si Moxie.

"S-Sen s-samahan moko sa CR h-hehehe" sabi ni Moxie sabay hila kay Sen kaya hindi na nakareklamo si tomboy.

Anong meron?

"Yun oh! Biglang nahiya ang taratitat HAHAHAH" sambit ni Markus.

"Iba talaga charisma mo Damian a hahaha" pang-aasar nina Nick.

...

Pagkatapos naming mag hapunan, nagpunta kami dito sa tabi ng dagat.

Sina Nick, Benj, Jans, Markus at Lance nagtutulakan papunta dun sa tubig na parang mga bata.

Umupo ako dito sa buhanginan.

Gabi na pero dahil sa ilaw ng buwan at mga ilaw dito ay lumiliwanag ang paligid.

Ang ganda talaga.

"Nako excited na ako bukas ng umaga, bibili ako swim suit tapos sunbathing, tapos magiging tan na color ko. Ikaw Dino boy papa tan ka? Dapat oo para may kasabay ako" pagkekwento ni Moxie kay Dino na tatango tango at iiling iling lang.

Pfftt. Kawawang Dino hahaha, hanggang mamaya kung magkwento yang si Moxie.

Naramandan kong may tumabi sa kaliwa ko.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon