Nang makalabas na kami ng bar bigla nyang hinila yung kamay nya sakin kaya napalingon ako sa kanya."Bakit ka pumapayag na ganunin ka nalang nila?" Tanong ni Sen.
"Eh pake mo ba? Pati bakit naghahamon ka ng away dun ha?"
"Binabastos ka nila kahit kaharap ka nila tapos nung umalis ka kung ano ano sinasabi nila sayo, sa tingin mo uupo nalang ako at magbibingi-bingihan? Ha?"
"Oo. Sana hinayaan mo nalang. Pati ano bang pakielam—"
"May pake ako Cloy! Never akong nawalan ng pake sayo. At ayoko sa lahat yung ginaganon ka alam mo yan! Hindi ko kayang umupo nalang na kung ano ano ang pinagsasabi nila sayo tungkol sa pagkatao mo" sabi nya.
"Just cut it out Sen. Hindi sya big deal. Umuwi na tayo—-"
"Hindi Cloy e. Big deal sya kasi pagkatao mo yan e, anong karapatan nilang husgahan ka ha? ! Bat kaba nagkakaganyan? Alam kong hindi ka bading kaya bakit mo kailangan magpanggap ha?"
Napatigil ako.
I fake a smile.
"Pano mo naman nasabi na nagpapanggap lang ako ha?"
"I know you Cloy. Hindi ka ganon. Naniniwala ako sayo—"
"Wow! Naniniwala? Tang*na! Nung panahon na sinabi ko sayo yung nararamdaman ko naniwala kaba? Hindi diba? Kasi sabi mo nagbibiro ako dahil mahilig ako magbiro p*cha! Hindi ko nga alam kung talagang naniniwala ka sakin e! Hindi ko alam kung pinagkakatiwalaan mo ba ako Sen! At hindi ko alam kung tinuring mo ba talaga akong kaibigan!" Sambit ko at ramdam kong nanginginit na ang mga mata ko.
Napatigil sya.
"Ano hindi kana iimik? Lagi ka namang ganyan e! Sen nakakapagod ng mag-isip." sabi ko at pinipigilan ko ang mga luha ko na pumatak.
Bigla nalang umulan ng malakas.
"Sh*t tara na Cloy" hinila nya ako pero di ako gumalaw.
"Walang aalis Sen. Wag ka namang tumakas ulit oh" sabi ko at ramdam kong pumatak na ang mga luha ko pero salamat sa ulan at hindi ito halata.
"Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito?" Seryosong tanong ko.
Hindi sya umimik at magkatinginan lang kaming dalawa.
"Dahil sayo Sen...d-dahil sayo" sabi ko
Napapikit ako ng saglit.
"Dahil sakin? Bakit??"
"Dahil Mahal kita" sabi ko at kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Huminga ako ng malalim tsaka nagsalita ulit.
"Mahal na mahal kita Sen e at sobrang sakit nung bigla ka nalang nawala. Pati yung pagkakaibigan natin nawala. Ang sakit non saken kasi wala akong sagot na nakuha kung bakit nalang biglang naging ganto." I paused.
"I didn't chose to be a gay. I need to be a gay to prevent myself from falling to someone else. Dahil nangako ako Sen, nangako ako sa sarili ko na ikaw ang una at huling babaeng iibigin ko." Sambit ko
"A-Ano? Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na magmahal—"
"Sobrang lungkot ko non Sen. Sobra. Para akong nawalan ng isang pamilya. S-Si Moxie sya lang yung tumulong sakin, ni hindi ko masabi kina Ate at Mama yung nararamdaman ko. She had feelings for me nung mga panahon na yon alam mo yun Sen. Alam kong nabibigyan ko sya ng false hope pero kasi kahit pakiramdam ko nagkakagusto na ako sakanya may part sakin na kahit anong gawin ko mas lamang ka e, minsan ikaw ang nakikita ko kay Moxie at napaka unfair non sa kanya."
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...