F I V E

118 24 11
                                    


"Cgayyyyyyyyyyyyyyyy!"

"What the hell Lex? Eww Cgay?"

"Ay anong gusto mo Cguy? Baklang eto! Pero marami ang matutuwa pag Cguy kana hihihi"

"Ang corny mo. Bakit ba pagpasok na pagpasok ko ang ingay ingay mo?"

"Ay muntik ko ng malimutan yung sasabihin ko! dinaldal mo kasi ako" sabi nya

-_- at nanisi pa ang lintek!

"Ano ba yung sasabihin mo?"

"Nakooooo! magugulat ka sa ibabalita ko. Grabeeee!"

Nag-iinit na ang ulo ko sa pinsan kong ito.

"Alam mo kung sinasabi mo na kaya! Ang rami mo pang paechos dyan eh!" inis kong sambit

"Cj wag kang magugulat sa sasabihin ko ha"

King ina! Ang sarap sampalin nito

"Hehehe eto na sasabihin kona wag mo na ako tingnan ng masama. Si Damian bali-balita may gusto sya kay Sen!!!" sigaw nya

"Ahhh....TANG-- di nga?!" gulat kong tanong

ABAAA!! Walang hiyang babae yun at aahasin pa ako !!

"Oo daw!"

"Saab mo ba nalaman yan?" tanong ko kay Lex

"Sa barkada ko pero konti palang ang nakakaalam kaya shh kalang" sabi nya

"Gagi! kung maka bali-balita ka eh kakaunti palang pala" sabi ko

"Haha sowee"

Napatingin ako sa relo ko...O_O

LATE NA AKOOO!

"Bwiset ka Lexianna Mae! Late na ako!" sabi ko at tumakbo na agad sa first minor subject ko which is Envi Science.

"Sorry Sir, Im late" sabi ko pagpasok ng room

"Wala namang pagbabago kasi lagi kang late kaya sanay na ako. Take your seat!" sabi ni Sir

Buti nalang medyo mabait itong prof ko sa envisci hindi katulad sa math juskooo!

Dahil late ako at walang bakante kundi dun sa katabing upuan ni Sen, no choice ako. Umupo ako dun sa katabi nya, tumingin sya sakin pero inirapan ko lang sya. Badtrip ako sayo!

Aagapan ko talaga bukas para hindi ko na sya makatab----

"Class! I decided na kung saan kayo nakaupo ngayon yan na ang permanent sits nyo" sabi ni Sir

"P*tcha!" nabigla kong mura

"Minumura mo ba ako Mr.Monrow?!"

"Po?! hindi po Sir. Ang sabi ko po Pikachu! Haha ginagaya ko lang po boses nya... Pika Pika Pikachu!" sabi ko kay Sir wag lang ako maguidance

Tinawanan naman ako ng mga kaklase ko. Hayop!

Ang malas koooo! Bakit ngayon pa naisipan ni Sir na gawing permanent sits kung kelan etong babaeng ito ang katabi ko! Bwiset!

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon