E I G H T

85 19 0
                                    

Another day na naman at another lesson na naman letse!

Pero sobrang nagpapasalamat ako at wala kaming Envi Sci ngayon juskooooo! Eto na ata ang masayang araw ko at walang nakakahilong formula sa envi chem na yan!

Papunta ako ng Field para tawagin si Lance pero biglang nasira ang araw ko! Panira ng araw!

Ang nakita ko lang naman ay isang babaeng bruhildang adik mangkukulam impakta chakang tomboy na nakikipagtawanan kay Damian?!

Kailan pa sya natutong makipagtawanan sa iba?! Peste! Bahala nga sila!

Umalis na ako dun at nagpunta na sa next subject ko!

"Okay Class! Pass your homework!"

"Cj?"

"Cj? Pasa na daw yung homework" sabi nung kaklase ko at inabot ko ito.

"Cj homework natin sa Visual Com hindi sa Math—"

"ANO BA?! Parehas lang yang homework!" Inis kong sambit

"Mr. Monrow may problema ba?" Tanong ni Prof. Jasmine at napansin kong sakin nakatingin lahat.

"Ahm wala po maam" sabi ko at binigay na sa seat mate ko yung homework ko sa visual com.

"Sorry Jason" paghingi ko ng pasensya sa katabi ko na nasigawan ko.

"Okay lang"

Pagkatapos ng klase agad na akong pumunta sa cafeteria.

Bumili lang ako ng inumin dahil wala akong ganang kumain.

Nakita ko si Sen na may dalang tray at kasabay nya si Damian.

Magkasama na naman sila?!

Naunang naglakad si Damian habang nakasunod si Sen. Pansin kong parang may hinahanap si Sen kaya hindi sya nakatingin sa daan kaya pumunta agad ako sa kanya at binagga ko sya ng malakas dahilan na matumba sya at matapon ang pagkain nya.

Tumingin sya sakin na parang nagtataka.

Pansin kong maraming nakatingin sa amin.

The hell I care!

"Tsk! Pahara hara ka kasi" sabi ko at nilampasan na sya dun pero bago ako umalis ng tuluyan nakita ko si Damian na tinulungan si Sen.

Pumunta na ako sa locker room at nagbihis ng pang laro kong damit.
Pagkabihis ko nagpunta na akong Gym.

"Cap asan si Lance?" Tanong ni Olly

"Crap! Nalimutan kong sabihan. Text nyo nalang" sabi ko

May bwiset kasi akong nakita tss!

"Okay Guys! Warm up!" Sigaw ko

Pagkatapos naming mag warm up lumapit si Jans sakin.

"Cj okay ka lang ba?"

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Para kasing iba ang aura mo? Haha wala wala. Tara na! Kumpleto narin yung mga bago" sabi nya.

Hinati ko sa dalawang grupo yung ka team mates ko at yung mga bago.

"Teka asan si Dino?" Tanong ko

"Wala parin Cap eh. Baka susunod yun" sabi ni Nick at tumango ako.

"Simulan na natin"

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon