Nakailang-ikot na ako dito sa kama ko pero hindi parin ako makatulog.Napatingin ako sa kamay kong may bandage.
Aishhhh! Bakit dahil sa bandage napapangiti ako? Peste!
Biglang nag flash sa utak ko yung nangyari kaninang pagligtas ko kay Sen mula sa science lab at nung ginagamot nya ako sa clinic.
Bakit ganito? Pilit kong dumidistansya sa kanya at hindi sya pansinin pero bakit hindi ko sya matiis?
Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok nito.
Geez! Kilabutan ka nga Cj!
Tumingin ako sa phone ko at 11:00 pm na.
Bumangon ako at pumunta sa bintana ko tapos binuksan ito.
Dumungaw ako para matanaw ko ang mga bituin.
Napatingin ako sa katapat ng bahay namin at sa ikatlong bahay na bahay nina Sen, ay nakita ko syang dumungaw din sa bintana nya at tumingin sa taas. Nakasuot sya ng kanyang salamin.
Hmm..bagay naman pala sa kanya ang nakasalamin.
Nakatingin ako sa kanya habang sya ay nakatingin sa mga bituin.
Sabi nga nila na Stars can't shine without darkness at kagaya ng mga tao hindi mo makikita ang kagandahan ng isang tao kung wala silang pagkakamali or flaws dahil sa bawat pagkakamali na yun doon mas nagiging maganda ang mga tao kasi ginagawa ng iba na ito ay isang motivation or lessons sa sarili nila kung saan pwede silang mag-grow or mag-shine.
Kagaya nalang ng taong tinatanaw ko ngayon, alam kong marami syang pinagdadaanan, marami syang pagkakamali pero dahil dun mas nagiging matatag sya at para sakin mas nagiging maganda sya bilang tao, like the stars that shines because of darkness.
And she shines because of her flaws.
Isa lang naman ang ayaw ko sa kanya e, ang pagiging malihim nya.
Bigla nalang syang tumingin sa direksyon ko at hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.
Natatandaan ko noon na bata palang kami madalas na naming gawin ito. Pag hindi kami makatulog dudungaw lang kami sa bintana at kung ano-anong kalokohan ang ginagawa namin. Minsan nagtutunog lobo kami o pusa o kaya naman aso para manggising ng ibang kapit bahay.
Madalas sya ang tumatakas sa kanila para lang pumunta dito sa kwarto ko at maglaro ng video games, may lahing unggoy yan ang hiling mang-akyat, minsan nga naisip ko na magiging magnanakaw sya pfft!Natatawa nalang ako sa mga pinaggagawa namin noon.
Wala ni isa samin ang umiwas ng tingin.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot....bakit Sen?
Bakit kailangan na magkaganito tayo?
Bakit hindi mo masabi sakin ang dahilan mo?
Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan sa nangyari sa amin o sya ang may problema...
Ang hirap kasi sa kanya gumagawa sya ng kilos na hindi namin alam kung ano ang binabalak nya. Lagi nyang inaangkin ang lahat na parang obligasyon nya ito kahit hindi naman.
Naramdaman ko nalang ang panginginit ng mata ko.
Sh*t! Buti nalang madilim at medyo malayo ako baka kung ano pa isipin nung babaeng yun.
Agad akong tumingin sa langit para pigilan ang pagtulo ng luha ko at binalewala ang presensya ni Sen.
Pero lintek na yan! Traydor etong mga luha ko dahil nag-uunahan na silang tumulo habang nakatingin parin ako sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...