"Cap gising" narinig ko boses ni NickNapamulat ako at nagkusot ng mata.
"Anong oras na? Ang dilim pa a" sabi ko
"4am palang Cap, kain muna tayo nandon na sila sa loob sumunod kana dun" sabi ni Nick at napansin kong ako nalang ang nasa loob ng sasakyan at si Nick na nagpapark.
"Nick si Sen?"
"Ha?"
"Hakdog. Ako na nga maghahanap" sabi ko at pumasok na sa loob ng Mcdo.
Umupo ako kung nasan sina Benj, Jans, at Lance. Yung iba naman nasa counter umoorder.
Napansin kong wala si Moxie at Sen.
"Kulot asan si Sen?"
"Ha?" nagtatakang reaksyon ni Jans
-_-
"Lintek kanina si Nick tas ikaw naman ngayon. Anong tinira nyo?"
"Ikaw baka Cap ang nakaka drugs okay ka lang?" seryosong sambit ni Benj
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi Kuya Cj tinatanong mo si Sen e alam mo namang umalis na" sabi ni Lance na parang inaantok pa
0_0
"Ano?! Tatamaan kayo sakin pag ginugood time nyo ako"
Bigla akong kinabahan. Nananaginip lang ba ako kanina?
Dumating si Nick at nakiupo samin.
"O Cap bat ganyan muka mo?"
"Nick nagbibiro lang kayo diba? Kasama natin si Sen diba? Pati girlfriend kona sya diba?" tanong ko
Bigla silang sumeryoso
"Cap antok kapa talaga. Anong girlfriend sinasabi mo dyan? Single ka uy! Pati umalis na si Sen diba? Hinatid panga natin. Nako Cap napakamalilimutin mona" sabi ni Nick na iiling iling
Kingina seryoso ba sila?
Tiningnan ko silang apat ng seryoso.
"Nahihibang ka na naman Cj" sabi ni Jans
"Ikain mo nalang yan Cap nako. Hoy Olly bilisan nyo order" sigaw ni Benj, kami palang ang customer kasi napakaagap pa.
Napahilamos ako sa mukha.
Panaginip lang ba yon? Bakit ganon? Ramdam na ramdam ko sya.
Dumating na si Dino, Damian, Olly, at Markus dala dala ang mga order.
"Wow! Parang may fiesta" sabi ni Lance
"Huy bro okay ka lang?" tanong ni Damian.
"Eh kasi Damian yang si Cap nag iimagine na naman" sabi ni Nick
"Seryoso ako Nick! Kasama natin sya! Girlfriend ko na sya tas sasabihin nyo na umalis na sya? Nanaginip lang ba ako kanina?" seryoso kong sambit at biglang tumahamik ang paligid at lahat sila tumingin sakin.
Napakamot ako sa ulo.
Taena imagination ko lang ba yun?
"Anong eksena yan Cloy Jeremy?"
O_O
Napalingon ako sa nagsalita.
Nakita ko si Sen na kasama si Moxie.
"Sen!" sigaw ko sabay lapit sa kanya at pinisil ko pa pisnge nya at don ako nakarinig ng tawa.
"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA" pag tawa nina Lance, Jans, Nick at Benj.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...