Nagsikain na sila at puro kwentuhan at syempre may kantahan din kasi naglabas sina Tita at Mama ng videoke. Sarado pala talaga ang resto nina Sen para sakin daw sabi ni Tita Shane.
Nahihiya panga ako sa kanya kanina pero inaasar lang din nya ako at si Sen.
Lumapit sakin si Lindon at niyakap ako.
"Taena pare akalain mo nga naman na kayo na pala" sabi nya na nakangiti.
Lumayo sya at inakbayan ako.
Psh. Bat laging ganyan ang reaksyon nila samin ni Sen hmmp!
"Waw namiss din kita tsk! Hahahaha ganon na nga diko din aakalain" nakangiti kong sambit.
"Happy Birthday Cj, bond naman tayo mga minsan" sabi nya
"Salamat tol. Oo naman, tagal na nating di nagkakausap e. Kamusta ka naman?"
"Ayos naman, nakakausad kahit papaano. Buti nga nakita ko nung minsan sina Moxie at Sen at ininvite nila ako dito" sabi nya.
"Kilala mo naba mga tropa ko? Pakilala kita--"
"Napakilala na saken ni Mox bwahahhaha" natatawa nyang sambit.
Inalis nya akbay nya.
"Pero masaya ako Cj para sayo. Bestman ako sa kasal nyo ha" sabi nya at natawa naman ako.
"Dadating din tayo dyan" nakangiti kong sambit at nagtawanan lang kami.
Medyo nagkwentuhan pa kami ni Lindon ng konti kasi nung sportsfest hindi na namin nagawa dahil medyo awkward din kasi team padin pala sya nina Harby.
Pero ngayon umalis na daw sya sa basketball at focus sya sa engineering course nya kasi graduating nadin sya. Although may mga hinahabol pa syang subs daw.
Maya maya hinila ni Mox si Lindon at dinala sa mga kateam ko para kwentuhin.
Si Jerry naman binati lang ako syempre with kasamang asar hayst bat ko kasi ginawa yun.
Si Coach din ganon.
Hinahanap ko si Sen at nakita ko sya sa may backstage nagiistrum.
Umupo ako sa tabi nya.
"Enero bat nagsosolo ka dito?"
"Wala lang"
"Salamat pala ha? Ang ganda nung kanta" sabi ko
Binaba muna nya ang gitara nya at tumingin sya sakin at ngumiti.
"Sayo ako dapat magpasalamat. Dahil sayo nakagawa ako ng maayos na kanta." she said smiled.
"Oo nga pala Cloy, isasubmit ko yung kinanta ko sayo kanina don sa agency. Tinulungan ako nina Jans, Olly, at Markus sa instruments pati ni Psalma natatandaan mo sya? Yung kwinento kong babae na pianist? "
Sambit nya.Ngumiti ako at tumango.
Ang saya nya, ang daldal nya pag masaya sya at masaya ako para sa kanya.
" Edi may new friend kana ulit? " tanong ko at ngumiti sya.
" Pakilala mo sakin mga minsan mukhang gustong gusto mo sya e. Hala ka seselos si Moxie" sabi ko
Ngumisi sya.
"Wala naman makakapalit kay Mox" sabi nya.
Niyakap ko sya.
"Salamat talaga Sen sobra. Mas sumasaya ako dahil sayo, ano ng gagawin ko Sen? Ikaw na mundo ang ko" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Roman pour Adolescents|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...