T H I R T Y - F I V E

34 4 0
                                    


Gabi na naman andito kaming lahat sa tabi ng dagat nakaikot sa bonfire.

Kahit si Nick sumama padin kahit masakit ang paa.

Kanya kanya kaming pwesto habang tahimik lang na nakamasid sa alon ng dagat at sa mga bituin.

"Sana ganito nalang lagi guys noh. Kahit mga asungot kayo sa buhay ko mahal ko kayo" sambit ni Moxie

Napatawa kami sa sinabi nya. Tumingin ako kay Sen at nakangiti sya.

"Mahal ka din namin Moxie kahit boses palaka ka HAHAHA" pang-aasar ni Benj.

"Nako Benjonido sinisimulan mo na naman ako ha!"

"HAHAHHAHAHAA"

Nakita ko si Jans na medyo malayo ang pwesto sa amin habang umiinom ng beer.

"Wait lang Sen" paalam ko sa kanya at pumunta ako kay Jans.

"Hoy pre dun tayo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at umupo sa tabi nya.

"Nagsesenti pfft hahaha" sabi nya.

Ngumiti lang ako at tumingin nalang sa alon kagaya nya.

"May best friend din akong babae nun Cj" bigla nyang sabi.

"Pero hindi kagaya nung inyo hahaha mas solid kayo pati ang tagal nyong magkaibigan. Paano nyo nagawa yun?" tanong nya.

"Hindi ko din alam. Matagal ko na syang gusto pero alam mo yun mas iniisip ko yung pinagsamahan namin kesa sa nararamdaman ko." sabi ko.

"Anong nangyari pala sa best friend mo?"

"Hmm. Sa totoo lang nung una I hate her. Hindi ko alam pero hindi ako natutuwa sa kanya nung mga bata kami. Then nung nag high school kami hindi ko aakalain na nasa isang school na naman kami at biglang nagbago yun. Naging best of friends kami hanggang sa tinake namin ang risk at naging kami. Kaso alam mo yun Cj may mga risk na hindi worth it, I just lost a friend at sya lang ang kaibigan ko non. "

"Anong nangyare? "

" I let her go. Kasi minsan Cj the only thing you can do to your love ones is to let them go. Kahit masakit ginawa ko." sabi nya at nakita kong nangilid ang luha nya.

Tinap ko yung balikat nya.

Humarap sya sakin at ngumiti.

Namumula na ang mata nya.

" Kaya sobra akong nagpapasalamat sainyo kasi nagkaron ako ng kaibigan at pamilya dahil sainyo " sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Nakakahiya Cj nag-emote pa ako sayo hahaha. Oonga pala, I just really hope na wag dumating sa point na kailangan nyong pakawalan ang isa't isa. Kasi kitang kita namin kung gaano nyo kamahal ni Sen ang isa't isa. Your risk is worth it Cap" sabi nya at ngumiti.

"Salamat Jans, at malay mo makita mo ulit sya at baka may chance pa kayo" sabi ko

Ngumiti sya.

"Sana nga Cj... Sana"

"HOY KAYONG DALAWA DYAN LUMAPIT KAYO DITO MAGLALARO TAYO!!!" sigaw ni Moxie

Napasimangot kaming dalawa ni Jans

"Etong si Moxie para talagang nakalunok ng megaphone" sabi ni Jans at napailing nalang ako.

Lumapit na kami don.

Tinulak ko si Moxie paalis kay Sen at doon ako pumwesto.

"Walangya ka" sabi nya binelatan ko lang sya.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon