E P I L O G U E

65 4 5
                                    

After 1 year...

2031

"Salamat Jeremy" naiiyak na sambit ni Tita at niyakap ako.

Si Tito June niyakap din ako at sobrang nagpapasalamat sakin.

Naiiyak din ako sa tuwa.

Lahat ng pinaghirapan ko... Lahat ng puyat at iyak ko sa pag-aaral nagbunga na.

Okay na... Makakalabas na si Shania, pwede na syang mag pagaling kahit nasa labas sya. Wala na din syang kaso.

Agad akong nagpaalam sa kanila at sinabing pupuntahan ko nalang si Shania mamaya. Nagpasalamat din ako sa lawyer na tumulong samin.

Nag drive ako papuntang sementeryo.

Excited na ako ibalita kay Sen ito!

***

"Sen shet! Nakalabas na si Shania" sabi ko at pinupunasan ko ang luha ko dahil sa sobrang saya ko.

Umupo ako sa damuhan at pinatong muna sa gilid yung gitara nya na dinala ko.

"After those years Sen okay na... Shania is finally free. Bwiset ang iyakin ko padin ayaw tumigil luha ko oh" sambit ko na natatawa habang nagpupunas ng luha.

"Kahit wala ka na dito Sen, lagi mo padin akong ginagawang mas better. Nakapagpatayo ako ng clinic Sen, baka sabihin mo nagiguilty ka kasi nag-aral ako ng hindi ko naman gusto. Mali ka don Sen, kasi masaya ako ngayon... masaya akong makakatulong sa mga taong hindi okay mentally. After what you've been through, naisip ko na gusto kong tulungan ang ibang kagaya mo. And Im really thankful sayo kase mas naging proud ako sa sarili ko, mas naging maayos ako. And I realized you didn't left me you're not here but you never left Enero ko. You've always made me a better person kahit nung andito ka o kahit nung wala kana."

Kinuha ko yung gitara nya.

" Ang tagal na netong si Sakura noh? Sayang hindi mo nagamit yung bagong gitara hindi mo naman kasi sinabi na may masakit sayo non e psh. Sabi mo nung music festival kantahan kita ng nobela? Sorry kung inabot ng ilang taon bago ko magawa yun, ilang taon akong nagpaturo kay Markus netong mga chords ha? Wag mo ako ijudge pfft. Sorry Boo kung natagalan hehe "

Nagstrum na ako.

" Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang"

Pasimula ko sa kanta.

"Tulad mo ba akong nahihirapan?
Lalo't naiisip ka
'Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang"

"At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman"

"Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang"

'In our next life Sen... I'll save you and have our happy ending... In our next life'

"Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang 'di alintana
Bawat sandali na lang"

Inulit ko yung Chorus.

Hanggang sa matapos.

"Ayos ba Enero?" nakangiti kong sambit.

Bumuntong hininga ako.

"Sabi nila time heals everything daw, pero sakin hindi e. 9 years... at masakit padin, pero alam mo ang naturo ng oras sakin Sen? Time taught me something, time taught me to accept everything. Hindi ako pinagaling ng oras Sen, dahil sa araw araw ko ikaw ang nakikita ko, naririnig at naalala ko at ang masakit alam kong wala kana at hindi kana babalik, pero tanggap kona ngayon, sa ilang taon na lumipas dumating na ako sa oras na tanggap ko na, na wala kana. Tanggap kona na kailangan kong umabante sa buhay ng ako lang at tanggap ko na, na isa ka nalang na magandang ala ala at parte ng buhay at pagmamahal ko. I'm not going to move on, I'm just going to move forward without you by my side January."

Nagpunas ako ng luha sa mata ko.

"I finally letting you go... My January. I love you for the rest of our next lives"

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

Biglang humangin ng malakas at napangiti ako.

Pakiramdam ko niyakap nya ako...

"Pops!"

Lumingon ako dahil narinig ko boses ni Clive kasama si ate.

Sinalubong ko sya at kinarga.

"Ano ginagawa nyo dito?"

"Anniversary nyo daw ni Tita Sen sabi ni mommy. I wanna see her" sabi nya.

Ngumiti ako.

November 8, 2031.

It should be our 13th anniversary.

Ibinaba ko si Clive kung asan yung puntod ni Sen.

Lumapit sakin si ate at hinawakan kamay ko.

"Thank you Jeremy... Ang dami mong ginawa para saamin. Ikaw ang nag-alaga samin ni Clive at kay Mama. Ikaw ang nagtaguyod saming lahat. Salamat ng sobra" sabi ni ate.

Hinigpitan ko hawak sa kamay nya.

"Because I love you guys. No need to thank me" nakangiti kong sambit.

"Pero ang baho padin ng paa mo ate--bwahhahahaa aray!" reklamo ko ng hampasin nya ako.

"Jeremy!"

Naglaro lang kaming tatlo dito saglit at umuwi na din kami para iwelcome si Shania.

Nagpasalamat sya ng sobra sakin at mga minsan gusto nyang samahan ko sya sa puntod ni Sen.

Umakyat ako sa kwarto ko. Na patingin ako sa bracelet na suot ko na bigay nya at sa kwintas nya.

Hinubad ko yung kwintas at tinago yon kasama ng skateboard nya, bola na binigay nya sakin, at ng gitara nya.

Napatingin ako sa libro kong nasa kama.

My January

Napangiti ako.

Through writing we had our chance for our happy ever after...

End.

--------------

Please vote and comment

Thank you❄️

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon