2030 - Present
"S-Sen?"
Kinusot ko ang mata ko....nakatulog na pala ako dito.
Tiningnan ko ng maayos yung nagsalita.
Si Shania pala, akala ko si Sen. Sobrang magkamukha kasi nila t-tapos Cloy pa ang tawag sakin.
Inabot nya yung libro ko.
"Tapos kona basahin. Salamat sa pagpapahiram"
Ngumiti lang ako. Dalawang linggo narin ang nakalilipas ng simulan nyang basahin ang unang pahina ng libro ko. Hindi ko kasi pwedeng iwan dito kasi baka makatrigger pa sa kanya eto.
Kaya everytime na may session ako sa kanya bago ako umuwi papabasahin ko sya ng mga kahit limang chapters lang netong My January.
Napansin kong namumula ang mata nya. Umiyak ba sya?
"Okay ka lang Shania?" tanong ko.
Tumango sya.
"Buti naman, next week na ulit ako makakapunta dito ha?" paalam ko.
Medyo nagiging stable na naman sya buti naman.
Inayos ko na ang gamit ko at tumayo. Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Bakit Cloy?" tanong ni Shania. Tumingin ako ng nagtataka.
"What do you mean? And Shania you can just call me Cj" sabi ko.
Ngumiti lang sya at tumango.
Pero tiningnan nya ako ng malungkot.
"Why did you change the ending?" tanong nya.
Hindi agad ako nakasagot.
Ngumiti ako ng tipid
"Bakit hindi? Kung eto lang ang paraan para mabigyan ko ng magandang kwento ang storya namin ni Sen, bakit hindi S-Shania?"
"She left you, tanggapin mo na, na hindi kana nya babalikan." sabi nya.
"Alam ko... Alam kong masaya na sya at hinding hindi na sya babalik saken. Hindi mo kailangan ipaalala sakin yan kasi alam ko...ramdam ko" yun nalang sinabi ko at nagpaalam na sa kanya.
Nagpaalam narin ako sa mga nurses dito.
"Ingat po Doc" sabi nila. Ngumiti lang ako.
Nasa parking lot na ako ng may tumawag.
Son Calling...
"Bakit Clive?"
"Pops! Buy me toys ha!"
"Pfft oo diko nalimutan, kitakits mamaya basta behave ka dyan sa mommy mo ha"
"Yey! I'll behave promise"
"Ayan goods."
Natatawa kong sambit at pinatay na yon. Psh ginamit na naman nya yung phone nya e tinago na nga yon tsk tigas talaga ng ulo. Lagot sya sa mommy nya mamaya bwahaha.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive sa lugar kung san naandon si Sen.
Nang makarating na ako kinuha ko yung bulaklak na binili ko.
Lumapit ako sa kanya.
"Pfft. Alam kong ayaw mo sa bulaklak pero pagbigyan mona ako ngayon" natatawa kong sambit.
Umupo ako sa tabi nya at pinatong ang bulaklak sa gilid ng lapida nya.
Sen January A. Keaton
R. I. P
January 1, 2000 - November 7, 2022
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Ficção Adolescente|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...