T W E N T Y - T W O

79 10 0
                                    


Ikatlong linggo na ng setyembre at ngayong araw ang SPORTS FEST NAMIN!

Ang pinakahihintay ng lahat!

Nung nakaraang dalawang linggo ay puro training lang inatupag namin. Kahit nga 19th Birthday ko last week hindi ko muna sinelebrate kasi gusto ko focus muna sa laro kahit sina Nick namimilit na magpainom daw ako.  Kaya sabi ko nalang pag nanalo na kami. Ayaw ko kasi yung magsasaya muna bago ang hirap dahil mas masarap magsaya kung galing ka sa paghihirap kaya eto pinagpaliban ko muna ang birthday ko tsk wala naman ding espesyal sa araw kong yun. Binati lang ako ni Mama at Ate at yung mga katropa ko, si Damian, si Moxie at yung mga toxic kong friends sa facebook!

At yung may lahing bwishet na tomboy na yun slash huklubang mangkukulam eh hindi manlang ako binati!

Edi wag! Pake ko ba?!

Gaganapin ang sports fest sa Richmond dahil sa apat na school, ang Richmond ang pinakamalawak.

Sinuot ko na ang bagong naming jersey na may nakasulat sa likod na 'RMU VOLLEYBALL BOYS'. Tapos sa unahan naman may maliit na bola ng volleyball sa may kanang dibdib at sa gitna yung numero, at ang number ko ay 01 dahil captain ako, angal kayo?! Kulay ng jersey ay white na may lining na itim, at yung sulat at number ay kulay itim din.

Sa pang baba naman panty lang JOKE hahaha! Short na ang haba ay bago magtuhod tapos may suot akong kneepad. Ang kulay naman ng shorts namin ay plain na itim lang na may logo ng RMU na maliit sa kanang laylayan ng shorts namin.

Sinuot ko yung sports headband ko para hindi sagabal itong buhok ko.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba. Pumunta ako sa kusina at nakitang nakain na sila.

"Anak! Ang gwapo gwapo mo talaga" sabi ni Mom at nilapitan pa ako.

Ano na naman itong kadramahan ng nanay ko -_-

"Tsk"

"Wahhhhh! Mother naman eh! Bakit kay Jeremy nyo pa pinamana ang pagiging maputi ha?! Sana sakin nalang eh! Kakainggit! Tapos ang haba pa ng pilikmata! Dayaaaaa talaga!" Reklamo ni Ate.

Humarap si Mama kay Ate.

"Ay hali Chrysia Devine balik dito sa bahay bata ko at gagamit ako ng pampaputi para pumuti ka" sabi naman ni Mom

"Haha no thanks nalang Ma"

Humarap naman ulit sakin si Mom.

"Goodluck anak ha!"

"Goodluck bro! Mahubuan ka sana" sabi ni Ate.

"Ha! Ha! Mabilaukan ka sana dyan" sabi ko at inirapan sya at dinilaan naman nya ako pabalik.

"Ay Ma! Pagnanalo ako pahingi akong pera ha? Ililibre ko sila dahil hindi ko sila nailibre nung Birthday ko" sabi ko

"Hay nako! Obligasyon mo bang ilibre sila ha? Sila ba nagpaanak sayo?"

-_-

Umaandar ang pagiging kuripot nya!

"Sige na pleaseee! Nangako na ako e"

"O sya sige. Pero bayaran mo ang utang mo sakin pag may trabaho kana ha? Nakalista yun" sabi ni Mama.

Grabe ha? Nung panahon na inutang nya yung napamasko ko sa mga ninang at ninong ko nung bata ako siningil ko ba sya ha? Hustisya naman oh.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon