T W E N T Y - S I X

57 2 0
                                    

Apat na araw na ang nakalilipas ng magkaharap kami ni Harby.

At apat na araw natin itong PASA sa mukha ko put--aishhh! Hindi naman grabe yung natamo naming sugat ni Dino galing sa pagsuntok ng grupo ni Harby. Si Dino kasi ang bagal tumakbo naabutan tuloy kami -_-

Pero sa buong buhay ko ngayon lang nabangasan ng ganito ang gwap--I mean maganda kong mukha!

Yari talaga sila sakin! Nagsumbong na ako sa pulis at tanod pero sinabing away bata lang daw at magpagaling na lang daw kami ay mga g*gong pulis at tanod. Nakakahighblood sila!!!!

Hindi naman namin napapayag sina Olly at Markus na magsumbong dahil sila ang grabe ang nakahantungan. Hayaan na lang daw namin sabi nila.

Kasalukuyang lunch break ngayon at hiwa-hiwalay kami ng upong magbabarkada dahil magkakaaway kami.

Si Olly, Markus at si Jans na walang kaalam alam ang magkakasama.

Samantalang si Nick, Lance, Moxie ang magkasama sa kabilang table at si Lance lang ang naimik sa kanila.

Aish! Naaway ko nga rin pala si Moxie buset!

Samantalang ako Loner sana kaso umupo si Dino sa tapat ko at ganun din si Benj.

"Cap anong meron? Bakit ganyan ang mukha nyong apat nina Olly?" Tanong ni Benj na pagtukoy samin nina Dino, Olly, at Markus.

Wala nga pala rin syang kaalam-alam kasi apat na araw din akong hindi pumasok at dahil narin sa busy naming sched, malapit narin kasi kaming mag prepare para sa mga thesis namin.

"Bakit pati hiwa-hiwalay tayo? Ano ba yan! Guy--" tatawagin na sana ni Benj yung iba ng makisabat ako.

"Wag, kumain kanalang dyan o kaya lumipat ka nalang sa table nila" walang ganang sambit ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Napansin ko naman papasok ng cafeteria si Sen kasama si Damian at kahit sya nagtaka ng makita ang mukha kong may pasa.

Tsk! Busy din yan ng apat na araw dahil may pinagawa ang Principal sa kanya.

Anong meron sa apat na araw at ang busy nilang lahat?! Wala lang tanong ko lang.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at nahagip ng mata ko si Lex.

Namiss ko itong baboy kong pinsan.

"Lex!" Sigaw ko

Tumingin sya sakin at kumaway lang sabay labas na ulit dito sa Cafeteria.

Problema nun?

"Nagsuntukan ba kayong apat?" Tanong ni Benj.

Alam kong hindi ito titigil hanggat hindi nalalaman ang sagot.

"Hindi, napaaway kaming apat." Sabi ko.

"Kanino? Resbakan naba namin Cap? Di manlang kayo nag-aaya!" Sabi ni Benj.

"Tsk wag na baka isa karin sa magkaroon ng pasa sa mukha" sabi ko

"Aba! Cap magaling ata akong fighter" sabi nya

"Share mo lang?"

"Psh! Cap naman e!"

"Cj kailan kayo mag-uusap usap?" Sabat ni Dino.

"Ewan. Pag may free time siguro sila."

"Anong pag uusapan?" Tanong ni Benj na naguguluhan.

"Mahabang kwento Benj at tinatamad akong magkwento"

Sumimangot sya.

"Kahit hindi ko alam ang dahilan Cap ayaw ko na ganito tayong mag babarkada. Tingnan nyo ang isa't isa wala manlang kagana gana kahit si Nick at Moxie na maingay walang kagana gana. Kung ano man ang nangyari ayusin natin ito Cap." Seryoso nyang sabi at tumango lang ako.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon