Since that day hindi na kami nag usap ni Sen, mga nasa dalawang linggo narin. Nagkikita kami sa school pero hindi namin pinapansin ang isa't isa. Minsan nagkakasama sa mga gimik dahil pinipilit syang isama ng mga ugok kong kaibigan.Hiniling ko ito sa kanya kaya dapat panindigan ko. Pati kailangan ko ito diba?
Pero nakakalungkot sobra, nasasaktan ako sa kinikilos naming dalawa. Pero pakiramdam ko hindi lang ako, kundi pati sya nasasaktan.
Novermber 5 na at andito kami ngayon sa library ni Sen para sa research namin. Nakasalamin nalang sya ulit at ang tamlay ng mga mata nya.
Ang hirap. Sobra.
Lahat ng sinasabi nya sinusulat ko ng hindi nagrereklamo. Ngayon lang ata kami nagkasama na hindi nagbabangayan at nagtatarayan.
Nagulat nalang ako ng biglang may bumagsak na libro sa kamay ni Sen na nakapatong sa lamesa.
Napaaray sya ng medyo kasi ang kapal nung libro na bumagsak.
"Lexi?"
"Hala! Sorry Sen" sambit nya na medyo pabulong kasi bawal ang maingay dito.
"Okay lang"
"Okay ka lang?" Tanong ko at kinuha ko agad yung kamay nya para tingnan kung okay lang.
Tumango lang sya at binawi yung kamay nya. Nagulat din ako sa ginawa ko.
"A-Ahm ingat ka nalang din sa susunod Lexi" sabi ko at tiningnan sya at nginitian.
Ngumiti lang sya at umalis.
Bat parang may iba kay Lexi? Tagal kona rin na hindi nakakasama yung baboy na yon.
"Kaibigan mo?" Tanong nya.
"Yeah. And cousin ko sya na galing ibang bansa" sambit ko at tumango lang sya.
Ang awkward. ~_~
"Ahm excuse muna" sabi ko at umalis doon para habulin si Lexi.
Inakbayan ko sya.
"Cj ikaw pala" sambit nya.
"Kamusta baboy kong pinsan ha?" Tanong ko at nginitian sya ng nakaloloko.
Tumigil kami at humarap sya sakin.
"Okay lang. Ikaw?"
"Luh? Anong pakulo yan? Bat parang ang tamlay mo?" Tanong ko.
"Okay lang ako, bumalik kana dun" sabi nya.
"May problema kaba pinsan?"
Tiningnan nya ako ng seryoso.
"Parang nag-iba ka" sabi nya.
"Ha? Ikaw nga dyan e. Hindi na tayo nag-uusap tapos parang iwas na iwas ka sakin. Tapos ang tamlay tamlay mo pa—-"
"Masaya ka na naman e, kaya wag mo na akong pansinin" sabi nya at tumalikod na sakin.
"Hoy anong pinagsasabi mo ha?" Sabi ko at hinarangan sya.
"Alam mo Cj sana di nalang kita pinush sa kanya." she said and sighed.
Napakunot ang noo ko
"Wala akong maintindhan—"
"Cj!"
Bago ako lumingon napansin kong nanlaki ang mata ni Lexi.
Pagkalingon ko nakita ko si Dino kasama si Olly at Jans.
Kumaway ako sa kanila at sumenyas ng saglit.
Pagharap ko wala na si Lexi sa unahan ko.
-__- speed amp.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...