Ng medyo dumilim na at nilalamok na din kami, umuwi na kami ni Sen.Hinatid ko muna sya sa bahay nila. I just kissed her cheeks and hugged her tapos nag paalam na ako.
Huminga ako ng malalim sa tapat ng bahay namin at pumasok. Walang tao sa salas kaya umakyat na ako papunta sa kwarto ko.
Ang tahimik. Hindi ako sanay.
Bago ako pumasok sa kwarto ko tiningnan ko muna ang pinto ng kwarto ni Ate.
Bumuntong hininga ako
Tama si Sen pahupain ko muna ang sitwasyon at ang nararamdaman namin.
Pumasok na ako ng kwarto ko at nakita ko dun si Mama nakaupo.
I closed my door.
"Mom?"
Humarap sya sakin at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko.
She hugged me.
"How are you sweetie?"
Ngumiti ako.
"Okay lang ako. Si ate ba? Okay lang ba sya?"
"Siguro anak... Sya lang makakapagsabi kung okay sya o hindi"
"Sorry po" sabi ko at tumungo.
Hinila ako ni mama paupo sa kama.
"Okay lang yon, may pagkakataon na nag aaway talaga ang magkakapatid. Nagulat lang ako sa mga narinig ko, Im so sorry sa inyong dalawa ni Devine... Especially Dev." sabi nya.
"Mom please wag ka magsorry. Ako ang may kasalanan, hindi ko dapat sinabi yon. I didn't meant it Mom promise" sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya.
"I know anak. Alam ko naman kahit madalas kayo magbangayan, mahal na mahal nyo ang isa't isa. Ayusin nyo nalang din pag okay na kayo parehas" sabi nya at tumango ako.
She hugged me again.
"Ang lalaki na ng mga babies ko" sabi nya na parang naiiyak.
"Mom?"
"Yes anak?"
Bumitaw sya sa yakap.
"Si Shania pala yung batang ni ligtas ni Papa?"
Nagulat sya.
"Paano mo--"
"Sen told me. Narinig daw kayo ni Tita Shane na naguusap about dun" sabi ko.
"Sorry kung hindi ko sinabi. Natakot lang kami na baka masira friendship nyo ni Sen" sabi nya.
"Pero mukhang mas matatag kayo kesa sa amin" dugsong nya.
"Anong ibig nyo pong sabihin?"
" Nagalit ako kay Shane non at sa anak nya nung nangyari yun. Alam mo bang nasa ospital tayong lahat non. Umiiyak ako, umiiyak na din si Chrysia tapos karga karga ka nya at naki-iyak kana din." natawa nyang sambit
Natawa din ako.
" Si Shane and June ang nakaalalay sa amin noon, karga karga ni June si Shania non tapos si Sen naglalaro sa lapag at walang pakielam haha. Alam mo ba anak tumahan ka sa pag-iyak nung hinihila nya ang damit mo kasi wala syang makalaro. Binaba ka ni Chrysia non katabi ni Sen tapos hindi kana umiyak non. Hanggang sa makita nalang namin kayo natutulog ng magkatabi. Kung wala lang masamang nangyari pinicturan kona kayo e. "
Napangiti ako. Mas maagap ko pa palang syang nakilala.
" A-And lumabas yung doctor mula sa OR at hindi daw successful ang operasyon. Umiyak kami non... Nagalit ako kay Shane at sinabi na wag na sya magpapakita sakin" tumigil muna sya at pinunasan ang luha nya.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...