Second Day ng sports fest namin kahapon at dahil wala kaming laro kahapon nanuod lang kami. Nanalo nung una sina Moxie pero pagdating sa second set at decision talo sila.Naglaro din kahapon si Damian ng chess at syempre panalo sya! At si Sen hinila lang kasi biglang nagkasakit yung babaeng player at panalo naman sya tss. Kahapon pa kami hindi nagpapansinan nung bwishet na yun tsk!
At ngayong araw ang last day ng sports fest at ang championship.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Nick sakin.
"Cap tsk! Magkaaway na naman ba kayo ni Sen?"
"H-Ha? Tss lagi naman kaming magkaaway ah"
"I mean yung matinding away talaga, kahapon ko pa napapansin eh. Cap pupusta ako hindi mo matitiis si Sen HAHAHA" sabi nya at tinawanan ako.
Inalis ko yung akbay nya at binatukan sya.
"Pupusta rin ako na hindi ko talaga sya papansinin!" Sigaw ko sa kanya.
"Game! Ang matalo susunod sa dare ng nanalo ha?"
"Call!"
Nagpunta na kami sa Gym ni Nick at sobrang raming tao.
Lumapit sakin si Moxie.
"Oyy Cj Goodluck ha!" Sabi nya
"Salamat MoyMoy" nakangiti kong sambit at ginulo buhok nya.
"Aishh! Basta galingan mo. Alis lang ako haha" sabi nya
Napakunot ang noo ko.
Kakadating lang nya aalis na agad.
"Bakit? Saan ka naman pupunta?"
"Basta" sabi nya at kumindat pa sakin bago umalis.
Bago magsimula ang laro nagperform muna ang mga cheering squad. Nagpunta na ako sa pwesto ni Coach.
"Galingan nyo guys. Alalahanin nyo yung mga sinabi ko ha? Cj focus ha? Alam kong madalas kang mawala sa focus" sabi ni Coach at tumango naman ako.
"Uy si Panda mascot slash goodluck mascot ni Kuya Cj oh!" Sigaw ni Lance at agad kaming napatingin sa nakamascot na pumapasok habang may hawak na banner na GOODLUCK.
Napangiti ako.
Gusto ko talaga makilala yung nasa loob ng mascot na yan. Pinapagaan nya ang loob namin.
"Wala sya nung first game natin diba? Buti naman nakadating na sya ngayon" sambit ni Olly.
Nagsimula ang game namin ng maayos at sa huli ang tagumpay ay nasa amin. Nakarinig kami ng mga masasayang sigawan at syempre masayang masaya rin kami dahil 2nd championship na namin ito.
At sunod namang maglalaro ay ang basketball.
Agad akong lumabas para sana kausapin yung mascot dahil hindi ko nagawa yun last year.
Nakita ko sya sa may hallway at papalapit na sana ako ng humarang si Dino.
"Cj?"
"Bakit? Mamaya na tayo mag-usap may hinahabol kasi ako" sabi ko at hahakbang na sana ako ng hawakan nya ako sa balikat.
"Ano kasi Bro..."
"Aishh ano ba yun?"
Tiningnan ko yung mascot pero wala na.
Tumingin ako ng masama kay Dino. "Ayan wala na tuloy yung hinahabol ko. Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko.
"Ahh may sasabihin ba ako?" Tanong nya at napakamot sa batok.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...