"Cj..." tawag sakin ni Damian habang palapit ng palapit sya sakin.
"B-Bakit?" Nauutal kong tanong dahil ang lapit na nya sakin.
Umatras ako ng umatras kaso pader na ang nasa likod ko.
Ngumisi sya sakin at lumapit pa lalo.
"Cj." tawag nya at napapikit ako saglit teka bakit ba ganito si Damian?!
"Cloy?"
Napamulat ako at nagulat ako na nasa harapan kona si Sen na kalat ang eyeliner sa mata——
"WHAT THE HECK?!"
Napabangon ako. Takte! Kahit kailan talaga panira ng panaginip tong si Sen tch!
Bumaba na ako para kumain.
"Hay sa wakas nagising karin! Bilisan mo na kilos mo at late ka na naman!" Sabi ni Mom at umupo lang ako sa hapag-kainan.
"Napasarap ata tulog mo baby bro. Maganda siguro panaginip mo noh" sabi ni Ate habang nag-aayos ng kasuotan nya.
Inirapan ko sya.
"Tch! Bangungot hindi panaginip aishhh! Panira talaga" sabi ko at tumayo na ako at dumiretso na ako sa banyo.****
Dumiretso na ako ng gym at bihis na ako ng pangtraining ko. Hindi narin ako nagmadali kanina dahil alam kong training lang namin maghapon.
"Agap mo Cap ah tss" sarkastikong sabi ni Nick.
Umakbay sakin si Jans.
"Parang wala ka sa mood tol?""Tss" inalis ko yung akbay nya.
"Warm up na guys!" Sigaw ko
"Asan na pala yung mga bago?" Tanong ko
"Susunod daw sila kasi may gagawin pa daw muna sila" sabi ni Olly na tinanguan ko.
"Eh asan si Markus?" Tanong ko
"Nasa music room" sagot ni Jans
"Anong ginagawa nya dun?"
"Nagva-volley ball cap" sabi ni Nick kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Biro lang haha! Nagpapaturo sya mag-gitara kay Sen" sagot ni Nick.
"Aishh! Mas inuuna nya pa yun!" Inis kong sambit
"Hayaan mo na Cap, minsan lang mag-effort yun sa babae kaya dadaanin nya sa panghaharana pfft" sambit ni Benj.
"Aba teka! Magsisimula kayo ng hindi nyo manlang ako sinasalubong!" Sigaw nung kung sino man at sabay sabay kaming lumingon dun sa taong sumigaw.
"COACH!" Sigaw namin at nagsilapitan kami sa kanya.
"Group Hug!" Sigaw ni Lance at nag group hug naman kami.
"Hay nako Dino lumapit ka nga dito! Hindi kana nagbago" sabi ni Coach at napangisi lang si Dino at lumapit.
Kumalas kami sa yakap.
"Sa wakas coach andito kana! Hindi na kami papahirapan ni Captain" reklamo ni Nick kaya binatukan ko sya.
"Hahaha! Pinahihirapan ba kayo netong Captain nyo? Wag kayong mag-alala mas pahihirapan ko kayo" sabi ni Coach.
"Coach naman eh!" Reklamo nila.
"Simulan na natin ang warm ups!" Sigaw nya.
Lumapit sakin si coach at tinap ang balikat.
"Good job Cj! Hindi ako nagkamali na piliin kitang captain" sabi nya at ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...