Pagkatapos kumanta ni Sen tinawag sya ni Benj."Sen!"
Lumapit naman sya.
"Bakit?"
"Ang galing mo dun ah. Lodi ka talaga" sabi naman ni Markus
Ngumiti lang sya at tumango. Aalis na sana sya ng pigilan sya ni Jans at pinilit na makisama sa amin.
Psh!
"Nag papart time kaba dito?" Tanong ni Lance
"Hindi."
"Eh bakit kumanta ka dito?" Tanong ni Nick
"Sila kasi ang may ari nito" sulpot ng waiter at napatingin kaming lahat kay Sen na gulat na gulat.
"Ang galing mo maam Sen" sabi nung waiter at umalis na pagkatapos ibigay yung inorder namin.
"Woah! Sainyo pala ito" sambit ni Nick
Napatingin naman ako sa gitara nya teka--familiar sakin ang gitarang iyon.
January 1, 2013
Dear Diary,
Bagong taon na at kaarawan ni Sen! Binigyan ko sya ng gitara kanina at sobrang saya nya. Di ko alam pero bakit sobrang saya ko ng makita ko syang masaya kahit nagastusan ako. At nalaman ko rin na may kakambal pala sya!
~C.J
(Flashback - year 2013)
"Huy babaeng hukluban Happy birthday! At happy new year" bungad ko sa kanya pagpasok ko sa bahay nila.
"Ganda ng bati mo ah. Tsk! Pero salamat hahaha. Regalo ko?" Tanong nya
May inabot ako sa kanyang box na maliit.
"Ano ito?"
"Box. Search mo sa internet ang definition" sabi ko at inirapan lang ako.
Binuksan nya ito.
"Susi? Binibigyan mo ba akong kotse?" Natatawa nyang tanong
"Dream on. Haha.Susi yan ng garahe namin" sabi ko at binato sakin yung susi.
"Sira ulo hahaha. Wala kayong garahe" sabi nya
"Hahaha wait eto na talaga ang regalo ko" sabi ko at lumabas ako at kinuha yung gitarang isinandal ko muna sa may harapan nila.
"Charan!"
Yung pokerface ni Sen napalitan ng saya.
"Letse ka Cloy! Ang ganda nitoooo!" Sigaw nya at nagtatalon pa sya at nagulat ako ng yakapin nya ako.
*tug*dug*tug*dug*tug*dug*
"Salamat talaga hindi tunay na lalaki" sabi nya habang nakayakap parin sakin.
"W-Welcome bestfriend kong nauulul" sabi ko at kumalas na sa yakap.
'What was that?' Tanong ko sa sarili ko at huminga ng malalim.
"Okay ka lang?" Tanong nya
"Ha? Oo naman" sabi ko at napatingin ako dun sa may picture frame.
Lumapit ako at nagulat sa nakita ko!
What the--!
"O bakit?"
"Duling ba ako?"
"Ha? Hindi ah"
"Eh bakit dalawa ang nakikita ko sa litratong ito?!" Tanong ko
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...