Napamulat ako ng makarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko.Binuksan ko yun at tumambad sakin ang mga mukha ng mga kaibigan ko. At mukhang nagsabay sabay silang pumunta dito.
Napatingin ako kay Moxie na namumula ang mata at ilong.
"Totoo ba Cj?" tanong nya.
Tumango lang ako.
Napaupo si Moxie at umiyak na inilalayan naman agad ni Damian. Nakarinig din ako ng hikbi mula sa iba.
"W-Where were you Cj? I've been contacting you, h-hindi ko kayo maintindihang dalawa non. Hindi kita makontak tapos si Sen ayaw naman magpaapproach, that's why hinayaan kona kayo... S-Shit Im sorry, it's my fault---"
Agad akong lumuhod at niyakap si Moxie.
" You've done so much for us Mox, it will never be your fault tandaan mo yan" sabi ko at pinapatahan sya kasi lumalakas ang iyak nya.
***
Inasikaso namin yung burol ni Sen at nakisuyo ako kay Lance kung pwedeng ipamigay yung mga sulat para sa kanila na galing kay Sen.
Hanggang ngayon hindi ko parin nabubuksan yung box. Ayoko pa, hindi pa ako handa...
Pangatlong araw na ni Sen.
Yung mga kaklase nya nung college dumalaw na sa kanya, mga co-workers nya, mga prof namin sa Richmond pumunta din dito. Pati sina King nagpunta dito at may masaya na silang pamilya. Nagsorry sya sakin sa pambubully nya sakin noon, okay na naman sakin yun kung hindi naman dahil sa kanila baka hindi ako nilapitan ni Sen. Yung family din ni Dino dumalaw na din dito, ganon din yung nanay ni Moxie. Pati nga si Izzy pumunta din dito at niyakap lang nya ako.
Sina tatay Nilo, Dara at Lindon lagi ding andito at nagkausap na kami ni Lindon. Yung mga tropa ko din ang laging andito pag hindi sila busy sa trabaho or school nila.
Nagleave nadin muna ako sa trabaho para matulungan si Tita Shane.
Kasalukuyan akong andito sa unahan at tinitingnan si Sen na nasa kabaong. Ang himbing ng tulog nya, samantalang nagrereklamo sya sakin na hindi daw sya makatulog ng maayos dati.
Napatingin ako sa bagong dating na kasama ni Tita Shane.
Nakawheel chair sya at tulak tulak sya ng isang nurse.
Ng medyo makalapit sya nakita ko ang mukha nya.
Nanlaki ang mata ko.
"S-Sen!" lumapit ako at niyakap sya.
"Miss na miss na kita Sen"
"C-Cj..." rinig kong tawag sakin ng mga kaibigan ko.
"Diba babalik ka saken?" tanong ko pero hindi ako nakarinig ng sagot.
Lumayo ako at tiningnan sya. Nakatingin sya sakin na parang hindi nya ako nakikilala.
"Jeremy hindi sya si Sen" sambit ni Tita Shane at umiiyak na din sya.
"Po? Sya si Sen tita, diba Sen? Hindi ikaw yung nasa kabaong diba? Please Sen sumagot ka naman" sabi ko at nararamdaman ko na naman ang luha ko.
"N-Nak.."
"J-Jeremy..."
"Ikaw ba si Cloy?" tanong nya at tumango ako.
"Ako si Shania.. Kakambal ni Sen" sabi nya.
Kakambal?
Tumayo ako at pumunta sa likod nya para tingnan yung batok nya at wala syang balat don...
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...