June 2021 na isang taon na din akong nagtatrabaho dito at masasabi kong naeenjoy ko.
Napatalon ako sa tuwa ng matapos akong kausapin ni Maam Sasha!
"CONGRATS CJ!" bati ng mga officemates ko.
"Salamat hehe!"
Nagpunta ako sa lobby at tinawagan si Enero ko.
Excited na akong ibalita yung promotion ko shet!
"Oh---"
"ENEROOOOOO!"
"Hayop taas ng energy a! Bakit bading?"
"Tsk! Andyan ka sa Manila?"
"Oo bakit?"
"Punta ako dyan haaaa! Ano oras tapos ng shift mo?"
"Hmm mga 5 ganon"
"Sige on the way ako love. Labyuu"
"Gege ingat sa pagdadrive tanga kapa naman pfft"
"Mahal mo naman---*toot*toot*"
"Eto talagang tomboy na ito 2021 na ang cold padin psh!" reklamo ko ng babaan nya ako ng tawag tapos wala man lang aylabyutu
Nakapag-ipon ako para makabili ng sasakyan pero hindi naman sya yung sobrang mahal yung medyo keri naman sa sweldo hahaha.
Ang saya talaga pag nakakaipon ka galing sa pinaghirapan mo hays.
Nag-out na ako sa office at pumuntang parking lot.
Grabe miss na miss kona din si January ko sobra!
Masaya ako sa promotion ko pero nalulungkot din ako kasi kailangan kong pumunta ng ibang bansa. Kaya sya una kong sasabihan kung ano sa tingin nya. Okay lang naman saken kung ayaw nya, ayoko din naman malayo sa kanya e.
Medyo traffic kaya late na ako ng makarating sa place ni Sen. Baka dito nadin ako matulog, wala naman akong pasok bukas. Papaalam nalang din ako kay Mama Shane hehehe.
Binuksan ko na yung apartment nya dahil may susi din naman ako.
Nakita ko syang may binabasang libro.
"Enerooooo sorry late akoooo" sabi ko.
"Pfft wala namang bago sayo e" tumayo sya at niyakap ako.
Niyakap ko din sya ng mahigpit.
"Okay ka lang boo?" tanong ko
"Hmm Mmm"
"Sure ka ha?"
"Oo nga, ayaw mo bang yakapin kita---"
"Syempre gusto, pero sana may kiss din---aray!"
Reklamo ko ng suntukin nya ng mahina dibdib ko.
"Kumain na tayo nagpadeliver ako" sabi nya
"Wow akala ko naman nagluto ka bwahahhaha"
"Lul alam mong wala akong talent dyan hahaha"
"Bakit pala hindi ka na natugtog? Ayaw mo ba nung gift ko sayo? Subaybay ko kaya yt mo, wala na ulit video na nag gigitara ka" sabi ko at umupo sa may hapagkainan.
Inabutan nya ako ng kutsara at tinidor.
"Hindi naman, medyo b-busy lang" sabi nya.
"Ano pala yung sasabihin mo?" tanong nya.
Ngumiti lang ako.
"Kumain muna tayo" sabi ko at sumang-ayon sya.
Maya-maya lang nagligpit na kami ng pinagkainan namin.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...