"Gago kaba Cloy! Ansaket kaya!!" reklamo nya.
Pinitik ko noo nya na ikinagalit nya lalo.
"Eto ang arte pasalamat ka nga pinagtitiris na kita ng tigyawat mo tapos magrereklamo ka pa dyan" sambit ko.
Ang daming pimples ni Sen sa noo bwahahahaha. Kakapuyat nya pati di marunong maghilamos at mag skin care etong tomnoy na ito, diko gaya na makinis syempre healthy living ako noh, kasama na balat don.
"Tsk!"
Inirapan nya ako at wala na ding nagawa.
"Sinasabi ko kasi sayong maghilamos ka at maglagay ng pampaganda dyan sa aswang mong mukha" sabi ko.
Andito kami ngayon sa salas ng bahay namin at tinatanggalan sya ng pimples habang nakahiga sa hita ko at may hawak syang salamin.
"Nalilimutan ko kasi!"
"Sabihin mo tamad ka lang tsk. Kelan kaba magdadalaga ha?"
Ibinaba nya yung salamin at tiningnan ako ng masama.
"Ikaw kelan ka magbibinata?"
"Binata na ako uy!"
"Dalaga ka kaya"
"Nyenye, di mo na ako mapipikon bleh" sabi ko at tinuloy ang ginagawa ko.
"Oh my g---Jeremy! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Ate
"Aray puch--!" reklamo namin ni Sen ng biglang tumayo si Sen at dahil nakatungo ako nagkauntugan kami.
Hinilot hilot ko ang noo ko. At tumingin ako sa kanya at ganon din sya hinihimas himas nya ang noo nya, hinilot ko din yung noo nya at tiningnan kung hindi napasama ang untog sa kanya bago ako lumingon kay ate.
Tumingin ako ng masama kay ate.
"Bakit kaba nasigaw?!"
"Sarreh, pero anong ginagawa mo sa mukha ni Sen ha?!"
"Tinitiris pimples nya---"
"Tanga wag! Bakit ka nagpapaniwala sa kapatid kong impakto Sen? Masama yan sa mukha nako, kahit mahal mo yang kapatid ko alam mong tanga yan bwahahhaa" pang-aasar nya.
"Alam mo ate wala ka na namang magawa sa buhay---aray naman Sen!" reklamo ko ng hapasin nya ako ng unan.
"Siraulo ka pag may nangyare sa mukha ko ipapakulam talaga kita" sabi nya.
Natawa ako.
"Anong mangyayari sa mukha mo e panget na naman bwahahhaa---ARAY!" bigla na naman nya akong hinampas ng unan.
Tumakbo ako at nagtago sa likod ni ate at naghabulan kami dito sa bahay.
Ganon lang kami ni Sen halos araw araw pero sa araw araw na yon lagi akong excited. Minsan tutulungan ko si Sen sa Resto nila tutal bakasyon naman at parang summer job na din.
Minsan naman tatambay kami sa favorite park namin kagaya lang nung mga bata kami tapos mag iislide kami o kaya seesaw o kaya naman swing.
Nalaman ko din na sya pala ang nagpapalinaw nung initials namin sa slide kasi sabi nya ayaw nya daw mabura yon, kagaya ng ala-ala naming dalawa simula noon. Pfft sweet.
Magkasama na rin kaming nagsisimba tuwing linggo, kaso naiilang sya nung minsan kasi matagal na syang hindi nakakasimba.
At oo nga pala dumalaw si Father Juan dito at sobrang saya namin at sobrang saya nya na malaman na kami na ni Sen cute nga ni father e, shipper daw sya namin HAHAHAHA. Kaso isang linggo lang din sya dito kasi kailangan nya ulit umalis.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Novela Juvenil|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...