Pagkatapos magkwento ni Lola umalis si Damian dahil may kukunin lang daw sya sa kabilang subdivision."Ay Iho ano nga pala pangalan nyo?" Tanong nya
"Ako po si Cj tapos yung babae naman po dun ay si Sen po" sambit ko na nakangiti.
"Napakaganda at gwapo talaga ng kaibigan ng aking apo. Alam mo ba iho na ngayon lang sya may pinakilalang kaibigan. Dati kasi hindi ganyan itsura nyan haha mataba at maitim si Damian dati pero tingnan mo naman ngayon ang gwapo ng apo ko diba?" Tanong ni lola at tumango.
"Katipan mo ba yung magandang babaeng yun?" Tanong ni Lola
"Po? Asan po? Wala naman pong maganda ah"
"Palabiro ka talaga. Si Sen ang tinutukoy ko" sabi ni Lola
Hindi naman yun maganda.
"Nako hindi po." Pagtanggi ko
"Ahh kung ganun katipan ba sya ng apo ko?" Tanong ni Lola
Napakamot naman ako sa batok at umiling.
Ako po ang katipan ng apo nyo! Hahahahahah gago Cj!
"Ahm Iho pwede ko ba kayong mautusan? Hindi pa kasi nabalik si Damian at naiwan pa nya ang kanyang telepono." Sambit ni Lola
"Ay nako oo naman po La. Pwedeng-pwede po" sabi ko at ngumiti.
Sinabi nya sa akin kung paano ako makakapunta sa palengke, at kung ano ang bibilhin.
Umalis na kami ni Sen at ng nasa bayan na kami...napatigil kami sa simbahan at nagkatinginan kami.
"Pumasok kaya muna tayo?" Tanong nya at tumango ako.
Bata palang kami taong simbahan na kami. Siraulo kami pero syempre mahal parin namin ang Diyos.
Pagpasok namin lumuhod muna kami at nagdasal.
Ngayon ko nalang ulit sya nakasama na pumunta sa simbahan.
Pagkatapos naming magdasal umupo muna kami.
"Namimiss ko na si Father Juan" sambit ni Sen.
"Oo nga nasa ibang lugar na kasi sya eh. Pero ang balita ko uuwi sya next next month ata" sabi ko
"Buti naman"
"Sabay natin syang puntahan pag nakauwi sya, malamang hinahanap na nya ang dalawang siraulong anak-anakan nya" sabi ko
"Haha oo nga. Tanda mo pa ba nung sa tuwing pagkatapos nating magconfession ginagawa na namin natin yung sinabi nating kasalanan haha" sabi nya
"Oo hahaha. Nasakit na nga ang ulo ni Father sa atin minsan pag magcoconfess tayo hindi na naniniwala sa atin" sabi ko habang inaalala yung nga panahon na yun.
"Haha oo nga, para na talaga natin syang tatay" natatawang sambit ni Sen.
Napabuntong-hininga sya ng malalim kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin parin sya sa harapan.
"Sa totoo lang ngayon nalang ulit ako nakapasok sa simbahan." Sambit nya at tumungo.
"Bakit naman ngayon ka nalang ulit pumasok sa simbahan?" Tanong ko at humarap sya sakin.
"Sabihin nalang natin na nagtampo ako sa kanya..." banggit nya na ikinagulat ko.
Napansin ko ring nagtutubig ang kanyang mata at bigla syang umiwas ng tingin.
"Hayy. Tara na may kailangan pa tayong bilhin." Sambit ni Sen at nauna ng tumayo.
****
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Dla nastolatków|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...