"Magpunas ka nga! Puro uhog kana eh! Tss bakit ka umiiyak? Dahil lang sa kanina? Ikaw ba yan Sen tch" sambit koTapos kinuha nya yung papel at pinampunas nya. Kababaeng tao di nagdadala ng panyo.
"Parang di mo ako kilala. Kahit maraming nagbago ako parin yung malakas sa panlabas pero napakahina sa loob" sabi nya
(Flashback - year 2012)
Hay pagraduate na kami ni Sen next week at di namin aakalain na makakatapos kami ng elementary dahil sa mga kalokohan namin.
Nandito kami ngayon sa playground ng school dahil PE time namin.
"Anong naisipan mo si Sen at nakasumbrero ka? Mukha ka tuloy lalaki hahahaha" pang-aasar ko
"Pake mo? Mainit eh. Ayaw ko mangitim" sabi nya
"Wow ha! Ang arte di ka naman maputi" sabi ko
"Yabang! Porket maputi ka!"
Napansin kong may papalapit sa aming lalaki na kagrade din namin kaso sa ibang section kaya hindi ko kilala.
"Hoy!" Pagsigaw nya sa pwesto namin kaya napatingin sa kanya si Sen
Medyo maitim sya at panget pfft!
"Sino ka?" Tanong ni Sen
"Ikaw! Sino ka para sirain ang project ko?! Alam mo bang pinaghirapan ko yun!" Galit nyang sabi
"Teka! Sinasabi mo? Eh hindi nga kita kilala at malay ko sa project mo ha!" inis na sabi ni Sen
"Bro sino bang may sabi na sya ang sumira ng project mo?" Tanong ko
"Sila! Nakita daw nila na etong lalaki na ito ang sumira ng project ko!" Galit na sabi nito
At napatingin ako sa tinuro nya at nakita kong nakangisi sina King at ang katropa nya.
Pero nagulat nalang ako ng suntukin nya si Sen! Kaya kwinelyuhan ko agad sya.
"Gago ka ah! Bakit ka nanununtok ng babae!" Inis kong sambit at parang nagulat naman sya sa sinabi ko
"B-Babae s-sya?"
Tumingin sya kay Sen na nakalugay na ang buhok dahil nahulog yung sumbrero nya.
"Aishh! Ang sakit nun ah!" Banggit nya kaya nilapitan ko agad sya.
"Nadugo labi mo Sen" sabi ko na nag-aalala pero yung itsura nya parang walang pakielam.
"S-Sorry. S-Sabi kasi nina King ikaw daw yung lalaking nanira ng project ko k-kaya di ako nakapagpigil na suntukin ka" pagpapaliwanag nya at halatang nakokonsensya sya.
Ikaw kaya sapakin ko!
"Tch. Bakit ka makikinig ka sa mga sira ulo na yun! Bago ka manuntok at magalit siguraduhin mo muna kung sino talaga ang may kasalanan" sabi ni Sen
"P-Pasensya talaga....." nakatungo nyang sabi
"Bahala ka na dyan" sabi ni Sen at naglakad palayo
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...