T W E N T Y - F O U R

54 8 0
                                    


Pagkatapos ng Sports Fest, isang buwan kaming nagfocus sa studies namin lalo na si Jans at Lance dahil medicine ang kinuha nila.

Isang buwan narin kaming hindi nag-uusap ni Sen, at gagawin ko ang lahat para lang makalayo sa kanya. Pag hindi ko ito ginawa hindi ko na alam ang gagawin at mas maguguluhan lang ako sa pagkatao ko.

Andito ako ngayon sa cafeteria habang nirereview ang report ko mamaya.

Aishh! Yung tipong gusto ko ng sumuko sa pag-aaral pero kailangan na makapagtapos! Sakit sa utak eh.

Ako yung tipong mas gusto magreview sa cafeteria kesa sa library. Para akong mabibingi sa sobrang tahimik dun eh.

Napatingin ako sa taong bagong dating sa canteen at nagkatinginan kami. Pansin kong netong nakaraang linggo lagi na nyang suot ang salamin nya at bihira na sya mag contacts. Bihira nalang rin syang mag-eyeliner.

Napailing ako. Dapat di ko na sya pinapansin e.

Ako na ang unang umiwas ng tingin at tumingin na ulit sa binabasa ko.

Ignore her Cj. You have to.

Sabi ko sa isip ko at pinaulit-ulit.

"Heyowww!"

Di ko napansin na umupo pala sa katapat ko si Moxie.

"Bagong buhay na ba? Hahaha focus na focus ka dyan sa report mo ah" sambit nya.

Di ko sya pinansin.

"Ay snobber si Koya! Pansinin mo naman ako, ang sungit sungit mo netong nakaraang linggo hmmp!" sabi nya at nagpout pa.

"Trip ko lang" walang gana kong sagot habang nakatingin parin sa report ko.

"Cj tingnan mo si Dino at Sen magkasama na kumakain. DUMADAMOVES na ata si Dino diba?" Sambit ni Mox at napatingin naman ako sa tinurong table ni Mox at andun nga si Sen at si Dino.

Humarap ako kay Mox.

"May gusto ka pa ba sakin Mox?" tanong ko

"Ha?"

"Bingi kaba?" Inis kong sambit.

"Sorry na. Nagulat lang ako sa tanong mo hahaha. Wala na syempre feeling gwapo ka naman hahahaha." Sabi nya

"Wala naman pala e. Bakit sunod ka ng sunod sakin?"

Biglang sumeryoso si Moxie.
"Teka nga Cj may problema kaba sakin?"

"Wala"

"Ay bakit nagkakaganyan ka ba ha?"

"Pwede bang umalis ka nalang. Wag kana pati matanong please lang" inis kong sambit

"Wow! Sige po aalis nalang po ako at nakakahiya naman at NAIISTORBO kita! Letche" inis nyang sambit sabay alis.

Napahilot ako sa sentido ko. Tanga mo Cj!

Ano bang nangyayari sakin? Nak ng!

Tumayo na ako at nagdiretso sa locker ko para kumuha ng gamit.

Pagbukas ko puro regalo na malamang galing kina Sarah at sa mga alagad nyang palaka. May mga congrats pang nakalagay na we love you Cj. Yuck!

Kinuha ko iyon at tinapon sa basurahan.

"Di mo malang inaappreciate mga effort nila."

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko at si Sen yun.

"Pakielam mo ba?" Sambit ko at tinalikuran na ulit sya.

Naramdaman ko nalang ang kamay nyang hinila ang braso ko pero binawi ko iyon.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon