T W E N T Y - F I V E

92 6 0
                                    


Andito na kami sa tapat ng Redsand University.

"Ang dami namang tao dito" reklamo ni Dino.

Napailing nalang ako kasi madalas yan ang reklamo nya pag napupunta sya sa ibang lugar na hindi sya familiar.

Papasok na sana kami ni Dino sa loob kaso hinarang kami ng guard.

"Hep! Bawal ang awwtsiders dito" sabi nya

"Manong may kailangan lang akong bangasan---este kausapin dyan." sambit ko.

"Eh sino ba yang hinahanap nyo? Baka kilala ko" sambit ni Manong

"Harby Gabbro" sambit ko.

"Harby--ahhh si Harby Gabbro?"

"Sya nga Manong! Asan sya?"

"Ay nako iho hindi ko sya kilala kaya di ko alam kung nasan sya! Sa rami ba naman ng estudyante dito mahirap ng matandaan yung iba. Ulyanin din kasi ako eh" sabi nya

>_____<

Ngumiti nalang ako ng pilit kay manong.

"Cj, magtanong kaya tayo dun sa mga estudyante na yun" sambit ni Dino at tinuro yung estudyanteng naglalakad papunta dito sa gate.

Hinintay namin ni Dino na makalabas yung estudyanteng tinuro nya.

"Ahm excuse me miss?" paglapit ko dun sa babaeng lumabas na may barkadang kasama.

"Ano yun?" tanong ni Ate Girl.

"Kilala nyo ba si Harby Gabbro?" tanong ko

"Yung captain ng basketball?"

"Ahm oo" sagot ko at hindi ako sigurado kung captain nga sya ng basketball ngayon.

"Oo naman kilala ko sya. Bakit?"

"Pumasok ba sya ngayon?"tanong ko

"Hmm...ang alam ko kasi wala syang klase pag Sabado. Diba Mich?" tanong nya sa babaeng kasama nya.

"Oo eh. Kaklase ko sya actually, thursday and saturday lang hindi" sagot nung Mich.

"Alam nyo kaya kung nasan sya ngayon? Or kahit address ng bahay nila?" I asked.

Umiling yung dalawang babae

"Ikaw Dex baka may idea ka kung nasan si Harby?" tanong nung Mich

"Hindi ko alam address nya pero ang alam ko ay madalas syang tumambay sa subdivision na ito para sa pustahan" sambit nung Dex at tinaype nya sa phone nya yung address at pinakita sakin.

O___O Eto yung subdivision na madalas naming puntahan na team para sa laro.

Agad akong nagpaalam at nagpasalamat sa kanila.

"Tara na Dino!"

"Alam mo kung saan?"

"Aayain ba kita kung hindi ko alam" masungit kong sambit

He just shrugged.

Nagsakay na kaming tricycle para mabilis at sinabi sa driver yung pupuntahan namin.

....

Pumunta na kami sa court ng sinabing subdivision at nakita ko syang naglalaro dun.

Naiyukom ko ang palad ko sa sobrang inis na nakikitang enjoy na enjoy sya samantalang yung mga kaibigan ko naghihirap dahil sa pambubugbog na ginawa nila! Mga gago!

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon