Last week nangyari ang camp at ngayon ay lunes, malapit na ulit ang exams namin.Kasalukuyang andito kami sa cafeteria ng ka-teammates ko.
"Ang daya naman! Hindi ako nakasama sa camp" reklamo ni Lance.
Hindi kasi sya nakasama dahil may pinuntahan sila nun.
"Teka pauwi na ata si Coach sa September diba?" Tanong ni Jans
"Oo. Buti nga at may coach na tayo next month. Hindi yung maiistuck na naman tayo kay Cap bwahahaha" sabi ni Markus kaya tiningnan ko sya ng masama.
Umalis kasi si Coach last Month which is July kaya sakin nya muna pinasa ang pagiging coach kaya medyo mahigpit ako pero buti naman at pauwi na sya sa September.
"O sino ang oorder ng pagkain natin?" Tanong ni Nick
"Ikaw nalang tutal ikaw nagtanong" sagot ni Markus.
"Ganito kung sino ang pinakakakaunti ang Ex sya ang oorder. Game?" Sabat ni Benj
Takte! Ang dadaya ah
"Game! Ako mga nasa 20 siguro" sabi ni Nick
"Tss ano pa bang aasahan namin sayo" sambit ni Olly
"Ako isa" sabi ni Jans
Pati ba naman si Jans nakisali?
"Ako nasa 15 bwahhaha" sabi ni Benj
"Ako tatlo!" Sigaw ni Lance at napatingin sa kanya
"WEH?"
Ngumuso sya "Oo nga, bakit ayaw nyo maniwala? tatlong beses kaya ako nagka-gf nung High School pero time out muna ako sa ganyan ngayong college" pag explain nya.
Nagkibit balikat nalang kami.
"Ako dalawa" sabi ni Markus
"Ako rin isa, hindi natuloy yun sa relationship yung isa tss" sambit naman ni Olly na napailing.
"O ano na kayo? Dino? Cj? Bwahhahahaha wala ba kayong naging Ex?" Tanong na may halong pang-aasar ni Nick
"Wala" sabay naming sagot
"Hahahahhahaa ang hihina nyo!"
"Tsk! Ang dadaya nyo!" Sabi ko
"Dahil walang balak bumili si Dino, ikaw nalang Cap dahil ikaw naman ang Captain" sabi ni Benj
What the? Ano nagpayabangan lang sila ng mga Exes nila pero ako parin bibili dahil lang sa pagiging captain ko?! Mga sira ulo!
Kinuha ko na yung mga gusto nila at mga bayad nila.
Papunta na ako sa counter ng mahagip ng paningin ko si Sen na may kausap na dalawang babae?
Lumapit ako ng konti dahil parang nag-aaway sila. Na naman?!
"Ano na naman bang problema nyo sakin?" Bagot na tanong ni Sen
"Dahil sa pambibintang mo bumagsak si Camille at napagalitan sya ng parents nya!"
Tsk! Kaibigan siguro sila ni Camille.
"Tunay ang sinabi ko kung ayaw nyong paniwalaan edi wag" sabi ni Sen at tumalikod na.
Pero lumapit agad ako ng bubuhusan sya ng tubig.
"Cj?!"
"Cloy?" sambit ni Sen nasa likuran ko.
"Bakit ba gustong-gusto nyo syang basain eh naliligo namang etong si Sen! Nagsasayang lang kayo ng tubig eh" Naiinis kong sambit
At napatingin ako sa tshirt kong puti at ngayon ko lang napagtanto na manipis ito at dahil nabasa kitang kita ang katawan ko p*tcha! Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...