Nagsimula na syang kumanta
" Hey mum... Why didn't you tell me?
Why didn't you teach me a thing or two?
Did you just let me go out, into the world?
You never thought to share what you knew."Hindi ko man alam yung kanta pero mararamdaman mo sa kanya ang sinasabi ng kanta.
Lahat ng nanunuod ay tahimik at nakikinig lang sa kanya.
" So I walked under a bus, I got hit by a train.
Keep falling in love, which is kinda the same.
I've sunk out at sea, crashed my car, gone insane.
And it felt so good, I want to do it again."Nagtuloy lang kumanta si Sen habang nag gigitara.
Naramdaman kong may umakbay sakin at si Markus yun.
" Inlove na inlove Cj a "sabi nya
" Syempre. Teka bakit andito ka sa backstage? "
" Magpeperform kami nina Nick panuorin mo Cj ang damoves ko HAHHAHAHA" sabi nya.
"Cj---" napatingin ako sa tumawag at si Eve yon.
Nakatingin sya kay Markus.
Tumingin ako kay Markus at ngumiti lang sya.
"Yow Eve" bati nya.
"Ahm h-hello Markus" bati nya
Awkward. Pero parang kay Markus okay na ang lahat? Sabagay hindi naman naging sila pero kahit na, patay na patay tong si mokong kay Eve e.
"Ahm Cj, asan si Moxie?"
"Ang alam ko nag CR lang sya saglit pabalik nadin yon" sabi ko
"Sige salamat" sabi nya at umalis na.
"Ayos ka lang?" tanong ko
"Psh. Oo naman" nakangiti nyang sambit.
"Move on kana?"
"Oo nga Cj hahaha, may mga bagay na dapat akong unahin. Pati may nagpamulat sakin na dapat magfocus ako sa mas makakabuti sakin at hindi sa nakakasakit" sabi nya
Natawa ako.
"Ayos tol a. Nahugot ka a. Sino naman yan?"
"Pfft. Yung una ay yung nakachat ko sa profoundly gawa ni Nick. Yung pangalawa si Master Sen. Oh wag ka magselos Cap" natatawa nyang sambit
Natawa ako.
"Ulol. Ligawan mo pa yun hindi ka magugustuhan non hahaha"
"Aray ha! Pogi kaya ako. Pati wag kami Cj alam namin kung gaano ka kaseloso HHAHAHAHA"
Napailing nalang ako at nanuod nalang ulit.
Nakita ko si Jans na vinivideohan si Sen. Hehehe inutusan ko sya, kasi hindi ko mavideohan dito si Sen. Kaso ilibre ko daw sya ng pagkain bilang kapalit, pag sila nagka girlfriend hindi ko din sila tutulungan ng libre bwahahaha.
Natapos ang performance ni Sen at nagpalakpakan kami. Sumigaw ako dito sa likod.
Pumasok sya sa backstage at niyakap ko agad sya.
"Ang galing galing mo Enero" sabi ko.
Naramdaman kong niyakap nya rin ako pabalik.
"Thank you Cloy---"
"Aaaaa! Ano yan?!"
Napabitiw kami at nakita namin si Sarah at ang mga kasamahan nyang nanlalaki ang matang nakatingin samen.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Novela Juvenil|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...