Bakasyon na din!!!Buwan na ng Mayo at kakatapos lang din naming makikain kina Jans nung nakaraang linggo birthday nya kasi nung 7, bente na si kulot. Pero si Benj ang unang nag 20 samin nung February pa.
Kikitain ko ngayon si Olly may secret affair kami ni weird boy.
HAHAHAH de joke.
Andito na ako ngayon sa resto na sinasabi nya. Lumapit ako ng makita sya.
"Sa wakas dumating din" sabi nya.
"Luh? Late ba ako?" tanong ko.
"Hindi, maagap lang ako"
Napaismid ako.
"Ewan ko sayo. Teka umorder kana?"
"Hindi pa wala namang nalapit na waiter e"
"Tangek malamang sa counter ka oorder." natatawa kong sambit.
Napakamot sya sa ulo.
"Edi ikaw na Cj, ikaw nakaisip e"
Inirapan ko nalang sya at umorder na.
Inabot nya sakin ang dalawang ticket.
"Buti nakahabol pa ako ng dalawang ticket." sabi nya at iniabot yun.
"Goods! Salamat talaga Olly" sabi ko.
"Sabihin mo salamat master" sabi nya.
"Salamat master" sabi ko at tinawanan nya ako.
"Anong nakakatawa?"
"Wala lang trip ko lang tumawa" seryoso nyang sambit.
"Psh. Libre na kita ng food" sabi ko.
"Dapat lang"
Tinabi ko muna yung tickets sa bulsa ko.
Ticket kasi yon sa isang music festival at isa yong big event kaya paubusan. Eh si Olly napili na isa sa mga DJ ng event.
At alam kong gustong gusto pumunta ni Sen sa mga ganito.
"Cj kinausap ko pala head ng event, tinanong ko yung pinaparequest mo at pumayag sila na pakantahin si Sen sa event"
Nanlaki ang mata ko at ngumiti ng malawak.
"Shet talaga ba?!"
"Hindi pre biro lang" seryoso nyang sabi na ikinawala ng ngiti ko.
"Kingina yung tunay kase!"
"Oo nga tunay nga!"
"Shittt!!! Hulog ka ng langit Olly!!" masaya kong sambit.
"Ha? Hindi ako hinulog ng langit, galing ako sa---uaondlwpe"
Bago nya pa matapos ang sasabihin nya sinubuan ko sya ng fries na nakuha ko.
Iimik pa ng kawirduhan e!
Tinapos lang namin ang pagkain namin tapos nagpaalam na kami sa isa't isa.
Excited akong umuwi.
Bukas na ang event at wala pang kamalay malay si Sen.
That's what we call SURPRISE MWEHEHEHE!
Pag uwi ko nakita ko si Sen na nakaupo sa semento sa tapat ng bahay habang nag gigitara.
Etong babaeng toh di marunong kumilos na naaayon sa kasarian nya.
"Eneroooooooooooo!" sigaw ko at lumapit sa kanya.
Umupo ako sa tapat nya pero hindi nakalapat ang pwet ko sa semento ayokong madumihan pantalon ko kahit di ako ang naglalaba bwahaha.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...