Pumasok na ako sa bar. At hinanap kung nasan sina Lance."Kuya Cj!!" sigaw ni Lance at lumapit ako sa pwesto nila.
Aapat silang andito.
Si Dino at Lance nakabantay don sa dalawang lasing na si Sen at Markus.
"Asan yung iba?" tanong ko.
"Si Nick, Benj, at Jans andon sa dance floor sumasayaw si Olly naman nag d-DJ" sabi ni Dino
Tiningnan ko yung pwesto ng DJ at tuwang tuwa ang gago. Lalo yung tatlong kumag sa dance floor.
Napatingin ako kay Sen na nakasubsob sa lamesa tsk.
"Hindi yan nainom a, anong nangyari? Sinong nanlasing dyan?" tanong ko at lumapit kay Sen
Kaya nga hinayaan ko syang sumama kasi alam kong hindi nainom etong babaeng ito.
"Hindi ako Kuya Cj"
Biglang tumayo si Markus kaya napatingin ako sa kanya
"Lalongsh di akoshh Capsh!" lasing na sambit nito at biglang nahiga sa sofa.
"Si Nick at Benj hinamon si Sen sa inumin at kung ano ano ang binulong sa kanya tapos nalaman nalang namin na nakakailang tagay na sya. Hanggang sila naman ni Markus ang nagpatibayan. Sinubukan kong pigilan pero aayaw talaga kaya ayan bagsak" sambit ni Dino.
Tumango naman ako.
"Ako na maghahatid sa kanya sa kwarto nila ni Moxie, kakarating mo lang kaya ikaw naman mag enjoy" sabi ni Dino at pinuntahan si Sen.
Biglang tumayo na naman si Markus.
"L-Lancesh Help meesh" sabi ni Markus
"Ano?"
"C--R"
"Hayop inom pa" reklamo ni Lance at inalalayan nya si Markus papuntang CR.
"Sen" pag gising ni Dino kay Sen.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko.
"C-Cloy..."
Tumayo si Dino at tinap yung shoulder ko.
"Ikaw ang kailangan bro. Ako na bahala sa iba" sambit nya at umalis na.
Umupo ako sa tabi nya at inangat ang ulo nya.
"Lalo kang mahihilo nyan Sen" sabi ko habang hawak ang noo nya.
Sinandal ko sya sa balikat ko.
"Tara na sa kwarto mo, magpahinga kana lasing kana oh. Tsk iinom inom pa kasi" sabi ko at inalalayan syang tumayo.
Ngumiti sya sakin.
"Ano nginingiti ngiti mo dyan?"
"Gwapo ka kasi hehe" sabi nya
Pfft--gago ang cute nya!
"Tsk"
Nang makalabas kami sa bar bigla syang lumayo sakin kaya hinabol kopa sya kasi baka matumba.
"A-Ayoko pa umuwiiii" sabi nya habang pagewang gewang ang lakad papunta sa dagat.
Umupo sya sa buhanginan.
"Madaling araw na Sen, tara na"
Hinila ko sya patayo pero ayaw nya.
"Mauna kana dito muna ako"
Tsk. Tapang neto magsabi ng ganyan pano kung may masamang tao na samantalahin ang lagay nya. Utak netong lasing na tomboy nako.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong nakasampay na jacket na itim. Kinuha ko yun at pinasuot sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...