Ang bilis ng panahon dahil ikakasal na ako ngayon...CHAROT! HAHAHAHHA! Parang kailan lang ng first day of class namin last month pero ngayon August na!
At ang pinaka-aabangan ko ang SPORTS FEST! At lalaban na ulit kami. Mga last week of August siguro magsisimula ang Sports Fest.
At mas nagiging close na kami ni Damian! Kaso medyo babad kami sa training ngayon kaya time out muna sa kalandian.
Kasalukuyan akong papasok sa first class ko na Envi Sci pero topic namin ngayon ay PHYSHET I mean Physics.
At muntik na ako malate ng konti mwehehe.
"Good Morning Sir Gab." Bati ko
"Hay nako muntik ka ng malate. Go to your seat may iaannounce ako" sabi ni Sir
Umupo na ako sa katabi ni Bruhilda na nagdodoodle sa notebook nya.
"Dahil malapit narin ang salihan ng mga clubs, napag-isip ko na ang mga member ng science club ay lahat ng nahahawakan kong estudyante at dito ako ngayon pipili ng Officer. Okay lang ba? Ang umangal bagsak sa Chem at Bio" sabi nya
"Okay lang po sir" sabi ng mga kaklase ko
Sira ulo din itong si Prof. Night Moon haha Sir Gabby Buwan ang Name nya eninglish ko lang.
Pero sa lahat ng Prof. si Sir Gab at Maam Jasmine ang mabait. Kaso nakakalutang magturo itong si Sir Gab at nakakanosebleed namang magturo si Maam Jas.
"Ang napili kong President ng Club ko ay si Ms.Keaton" pagtukoy nya kay Sen. At parang wala lang sakanya, di manlang nagulat o natuwa.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.
"Samahan mo ako dito sa unahan Ms. Sen Keaton." Sabi ni Prof.
At pumunta naman sa unahan si Sen na parang bagot na bagot.
"Ang Vice President ko naman ay si Mr. Cloy Monrow" sabi ni Sir.
Cloy Monrow? Parang Familiar——
O_O
"AKO PO?! Bakit ako Sir?!" Reklamo ko
Parang kakasabi ko lang na nakakalutang ang Science ah! Pati dapat botohan!
"Diba sabi ko ibabagsak ko ang magreklamo?" Pananakot ni Sir kaya tumayo na ako at pumwesto dun sa tabi ni Sen na mukhang nagulat din.
Sino bang hindi magugulat eh ako ata kababaan pagdating sa major subjects kasama ang Science tapos gagawin pa akong Vice ng club na ito? Hustisya naman oh!
Nagpatuloy ang pag-aannounce ni Sir hanggang sa matapos at magtime na!
Dahil ang schedule ko ngayon ay History of Press at wala si sir Fidel nagpunta nalang ako sa Gym para makapagrelax.
Sabi nila mga astig, gwapo ang natambay sa rooftop, nung minsang pumunta ako ang nakatambay ay mga nagyoyosi o kaya naman mga mukhang higad.
Kaya ayaw na ayaw kong tumambay dun eh, pati takot ako sa mataas shh!
Ang mga magagandang katulad ko ay sa Gym or dun sa bakanteng lote natambay. Share Ko Lang WMP!
May nakita akong babaeng hukluban na parang badtrip na nakaupo sa unahan .Kanina ko pa yan napapansin kaninang first subject na wala sya sa mood pero ngayon mukhang lumala ang pagkabadtrip nya. Lumapit ako sa kanya pero tinapunan lang nya ako ng tingin tapos tumingin na ulit sa unahan.
Problema nito?
Biglang may pumasok na cheering squad.
"Kaya kaba andito para sumali sa cheering squad?" Pang-aasar ko

BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...