Christmas Break na namin ngayon at December 24 na. Hindi na namin inisip yung nangyari nung Event.Lalabas din naman kung sino may gawa non.
Andito ako ngayon sa Resto nina Sen at hinihintay syang matapos sa ginagawa nya dito. Natulong kasi sya tas pakanta kanta din sya kasi ang daming tao ngayon.
Mamayang gabi kagaya ng nakagawian sa amin sila magpapasko at sa bagong taon naman ay kina Sen.
Dalawang taon naming hindi nagawa yun kasi nung una wala sila dito at nung pangalawa hindi kami okay. At alam yun ng mga nanay namin.
"Alam mo Cloy, umuwi kana kung hindi ka naman oorder. Ang dami pa pwedeng umupo dyan e" reklamo nya sakin at nakiupo.
"Yoko nga! Customer mo ako e. Pati wala naman akong maiitulong sa bahay" sabi ko
"Tsk. E anong order mo?"
Nag-isip ako at ngumisi.
"Hmm. Ang order ko ay yung girlfriend ko, Enero ang pangalan. Meron ba kayo non?" natatawa kong sambit.
Sumimangot sya.
"Wala kami non atsaka may girlfriend kaba?" nakangisi nyang sambit.
Nawala ang ngiti ko at tiningnan sya ng masama.
"Ang epal epal mo talaga! Aalis na ako" inis kong sambit at tumayo.
Narinig ko syang tumawa.
"Tingnan mo to, ikaw magsisimula tas ikaw ang pikon" sabi nya
Nilingon ko sya.
"Tsk. Yung akin naman ay sweet, eh yung iyo nakakabadtrip! " sabi ko at inirapan sya
Tumayo sya.
"Sabi ko sayo Sen kung magbibiro ka yung nakatatawa naman" inis ko pading sabi.
"Para kang tanga Cloy pfft"
Tsk! At tinanga pa nga ako lintek.
Tinalikuran kona sya at kahit tinatawag nya ako hindi ko sya pinapansin.
Bahala sya dyan!
Umuwi nalang ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko at nilock yun dahil iistorbohin na naman ako ng ate kong panget.
Umupo ako sa sahig at binuhay yung Playstation ko.
Makapaglaro nalang.
"Nakakainis naman! Excited ako kasi ngayon ko nalang ulit sya makakasama sa pasko tapos babanatan nya ako ng ganon? Bwiset lang diba?" sabi ko sa sarili ko habang nanggigil ako sa nilalaro ko.
Tumunog yung phone ko kaya tiningnan ko.
January <3 Calling...
Tsk. Tapos tatawag tawag sya?
Nakailang ring lang at pinatay nya na din.
Nagtext naman sya.
From: January <3
Ang arte mo Cloy, may regla kaba?
From: January <3
Buksan mo bintana mo andito ako.
Tumingin ako sa bintana ko at andon nga sya.
Unggoy talaga kahit kelan.
Magkasalubong ang kilay ko ng buksan yon.
"Bakit ka andito? Pati bakit ba dito kapa nadaan e may pinto naman" sabi ko.
"Tanga sarado kaya pinto mo" sabi nya
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...