E I G H T E E N

70 15 3
                                    


Andito kami ngayon sa hapag-kainan at kitang-kita namin kung gaano kasaya ang mag-ama habang nakain.

"Anak kumain ka naman ng gulay" sabi ni Tatay Nilo

"Ayaw ko ih"

Pfft napatingin ako kay Sen na hindi rin ginagalaw yung gulay na ulam. Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Little Version mo talaga si Dara, pati hindi pagkain sa gulay ayaw rin. Kumain ka ng gulay nakakahiya kay Tatay Nilo pag nag-inarte ka" bulong ko

"Tch. Ayaw ko nga" sabi nya.

Napailing nalang ako.

Naglagay ako sa kutsara ko ng kanin at ulam tapos tinapat sa bibig ni Sen.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong nya

"Airplane yan kakainin mo yan kaya say AHHH" sabi ko at parang ginawa syang bata.

"Cloy! Isa ilayo mo yan para kang tanga" sabi nya.

"Ayaw ko nga, kailangan mo itong kainin. Wag ng mag-inarte ang bata hindi aalis ang airplane ng hindi nya kinakain ito" sabi ko at nakatapat parin sa kanya yung kutsara ko.

Umirap muna sya bago ibuka ang bibig at akmang isusubo na nya ng alisin ko ang kutsara ko at isinubo sa bibig ko.

"Bwahahahahhahahaha!" Pagtawa ko habang may laman ang bibig.

Napatingin ako kina Dara at Tatay Nilo na tumatawa narin.

Tumingin ako kay Sen na ang sama ng tingin sakin at napatigil ako sa pagtawa ng sikuhin nya ako sa sikmura....takte! Ang sakit kaya!

Pagkatapos naming kumain, kami ni Sen ang nagpresinta na maghuhugas ng plato. Ako ang tagabanlaw at si Sen ang tagasabon ng mga plato.

Gusto ko sanang itanong kung ano yung ibig sabihin ng sinabi nya kanina.

"Napapaisip ako kung kelan rin kaya ako magiging matapang para  makalabas sa pintong pinagtataguan ko?"

"Napapaisip ako kung kelan rin kaya ako magiging matapang para  makalabas sa pintong pinagtataguan ko?"

"Napapaisip ako kung kelan rin kaya ako magiging matapang para  makalabas sa pintong pinagtataguan ko?"

Umiling-iling nalang ako. Wag ko na dapat alalahanin yun tutal ayaw nyang pinapakielaman ko sya at naalala ko na galit nga pala ako sa kanya psh!

"Galit ka parin ba sa akin Cloy?" Tanong nya.

Tsk. Mind reader ba sya? -_-

"Cj nga itawag mo sa akin hindi NA tayo close" masungit kong sambit.

"Tch."

Nakakasakit kaya yung sinabi nya. Ikaw na nga nagmalasakit sayo pa galit! -_-

Natapos ang paghuhugas namin ng plato ni Sen. At sinabi ni Tatay Nilo na matulog muna kami sa kwarto ni Dara at sa kanya daw tatabi ang kanyang anak.

Binigyan nya kami ng extrang kumot at unan.

"Dahil iisa ang kama sa lapag ka tutulog at ako ang sa kama. Tutal galit ako sayo" sabi ko at inirapan sya.

Hindi na sya nagreklamo at sumimangot lang sa akin.

Naglatag na sya at humiga pero inalis muna nya ang contact lense nya at pinatong sa malinis na papel. At natulog na sya. Psh!

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon