'You have been slain'"Amp*cha wala manlang tumulong! Ambobo Lance at Olly" inis kong sambit habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
"HAHAHAHAHA ambobo mo kuya Cj, ang greedy mo kasi yan tuloy" sambit ni Lance
Tiningnan ko sila sa likod at patawa tawa si Lance habang si Olly nakangisi lang tiningnan ko sila ng masama.
Nahagip naman ng mata ko si Sen na natutulog at ganon din si Moxie.
Sinenyasan ko nalang sina Lance na wag maingay.
"ML player kana pala cap, dati ROS e" sambit ni Nick habang nagdadrive.
"Nakakasawa na mamaril" sabi ko at ng manalo kami pinatay ko na ang phone ko at natulog nalang din.
" Ang almusal ay sigawan!! Ang Hapunan natin ay tampuhan!!!! ANG MIRYENDA PAGDUDUDA!! PERO MAHAL KITA"
Nagising ako sa lakas ng bunganga ni Moxie at Nick. Napatakip ako ng tenga, nagduet pa ang parehas boses palaka bwiset!
"Wala ng hahanapin pang iba!! Handa akong magtiis. Kahit na away, away, away na to!!!" panodong sigaw nina Nick at Moxie at feel na feel pa.
Sina Lance naman at Olly todo support.
Tang*na! Ang sarap ng tulog ko e.
"Good aftie Cj! Sa wakas nagising ka din. " sambit ni Moxie at tiningnan ko sya sa likod tapos inirapan at tinawanan nya lang ako.
"Tumigil daw muna tayo dun sa may restaurant chat ni Dino" sambit ni Sen
"Kailan pa kayo nagkachat non?" tanong ko ng hindi sya tinitingnan sa likod.
"Nagchat sya sa GC naten" sambit nya at napaubo naman ako.
Langya parang napahiya ako dun a. -____-
"HAHAHHAHAHA boom panes boom boom panes panes" sambit ni Nick kaya tiningnan ko lang sya ng masama.
Tumigil kami sa isang restaurant dito sa Sta. Rosa Laguna. At kahit hindi ako ang nagdadrive nakakapagod ang halos dalwang oras na byahe.
Umupo na kami at si Coach na ang bahala sa mga order namin.
"Nakakagutom magdrive" sambit ni Benj
"Ako kapalit mo mamaya Benj" sambit ni Damian
"Hay Salamat Damian makakatulog din ako hahaha"
"Sanaol!" sambit ni Nick
"Gusto mo paltan kita?" tanong ko
"Hay nako Cap kayang kaya ko pa magdrive kaya wag nalang baka tapusin mo pa buhay namin" sabi nya at binalewala ko lang sinabi nya.
Wala naman akong balak magdrive dahil hindi naman ako marunong.
Nang dumating na ang order namin kanya kanya na sana kaming lamon kaso pinigilan kami nung isa dyan.
"Hoy Picture munaaaa!" sigaw ni Moxie
"Hoy wala ka sa palengke" sambit ni Jans
"Heh! Picture na kasi wag muna kayo kumain"
Kanya kanya kaming reklamo kasi nakakagutom na at dahil makulit itong si Moxie kaya ayon napapayag din kami.
"Say roadritp!" sabi nya kaya ginaya lang namin sya.
"ROADTRIP!"
"Ayan yehey! isa pa---" hindi pa tapos umimik si Moxie sinubuan na ni Nick ng pagkain kaya nagtawanan kami at nagsikain na ulet.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...