T H R E E

113 26 17
                                    

🎶Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

🎶At aalis magbabalik
At uulitin sa sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman~~

Sh*t!

Ringtone ko yun! Bigla kong pinatay.

"A-Ahh si Ate ang nagpalit nun at w-wala yung meaning. Buburahin ko na rin mamaya" sabi ko at umiwas ng tingin

"Wala naman akong sinasabi eh" sabi nya

Masyado naman akong defensive.

Tatalikod na sana ako sa kanya kaso nagsalita sya

"Bakit ka pala andito? Nagcutting kaba?" Tanong nya

"Hindi noh! Lunch tim----" napatigil ako ng maalala ko na tapos na nga pala ang lunch time

"Tch. Dapat hindi ka nagcucutting athlete ka pa naman "sabi nya

May ganun? Pag player bawal magcutting tapos pag sya pwede? Batas ang lang ha!

"Eh bakit ikaw nagcucutting din?" tanong ko

"Boring yung subject" sabi nya

As usual malamang history ang subject nya ngayon.

Ngumiti sya na pinagtaka ko.

"Psh di ko aakalain na makakasama kita sa pagcucutting hanggang ngayon"

Humarap sya sa playground kaya umalis na ako dun at naglakad nalang papuntang bahay ko kahit pagod na ako.

Sumalubong sakin si Ate

"Hoy! Bakit di mo sinagot yung tawag ko?" Tanong nya

Tiningnan ko sya ng masama.

"Ikaw pala ang tumawag sakin! Alam mo bang napahiya ako dahil sa pagtawag mo arghh!"

"Luh? Anong ginawa ko? Naistorbo ko ba klase mo? Eh ang sabi sakin ni Lex di ka umattend ng next subject mo a"

Napakasumbongera talaga nun! Traydor!

"Aysh basta! Tinamad na ako eh"

"Eh saan ka napahiya?"

"Nagkasalubong kami ni Sen kanina eh narinig nya yung ringtone ko bwiset mabago na nga yung ringtone kooo" naiinis kong sambit

"Ang babaw mo naman akala ko naman kung ano na. Ano bang ringtone mo?" Tanong nya

"Nobela" sagot ko

"Ahh yung favorite nyang kanta!" Nang aasar nyang sambit kaya inirapan ko lang sya.

"Seryosong usapan kapatid.... ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa? Sobra nyong close noon eh anyare ngayon open open na?" Sabi ni ate

"Joke yun? Di nakakatawa" sabi ko

"Hmp! Makisakay ka nalang"

"Ay dapa at sasakay ako sayo"

"Epal!" Sabi nya

"Sabay pa ngang pumupunta si Mama at Tita para kaunin kayo sa guidance kasi nagcutting kayo noon " dugtong ni Ate at napatawa.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon