"Damian?"Nagulat sya ng makita ako.
"C-Cj? K-Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya at tumango ako.
"Sino yung kausap mo?" Tanong ko
Ewan ko kung bakit nacurious ako kung sino yung kausap nya.
"Ah... Sister ko kausap ko haha" sabi nya
"Eh? May kapatid ka pala. Sa Richmond din ba pumapasok?" Tanong ko
"Nope. Nasa states sya" sabi nya
Tumango nalang ako at lumabas na ng CR.
Nagpatuloy ang mga activity na inihanda namin at nag-eenjoy naman kami. Kumain narin kami at dahil iisang isda ang nakuha namin ni Sen pinaghatian namin ito.
Sumapit na ang dilim kaya yung mga profs ay pumunta na sa kubo nila at yung ibang estudyante ay nagpunta na sa kani-kanilang tent.
Papasok na kami ni Nick sa tent ng magsalita si Patty.
"Guys! Laro tayo dali." Sigaw ni Patty at yung iba naglapitan pero yung iba hindi sya pinansin.
Hinila ako ni Nick at nakita kong may bonfire na ulit. Tss pinatay na yan kanina ah.
Napansin ko rin na hinila ni Ana si Sen. Pero wala dito si Damian, baka natulog na.
"Ano bang pakana ito?" Mataray kong tanong.
Medyo kakaunti ang lumapit na estudyante sa sinabi ni Patty. Nakita ko ring andito sina Dino at Olly at lumapit sila sa amin ni Nick.
"Tutal andito na tayo bakit hindi nating gawing retreat itong camp?" Suggest ni Patty.
"Retreat?"
"Yep. Dito nyo sabihin yung mga gusto nyong sabihin kung kanino man o kung may gusto kayong aminin sa sarili nyo o sa iba" sabi nya
"Hindi ba mahihiya kung sino man ang may gustong ishare? Kasi hindi naman tayo lahat magkakaklase kung tutuusin" sabi ni Kevin
Tama sya. Kasi hindi ko rin kilala yung ibang andito.
"Edi isulat natin sa papel. Tapos bubunot tayo at babasahin ng malakas kung ano yung nabunot natin. Pero guys kung kilala nyo man ang may-ari ng papel shut up nalang ha? Bawal mag turo basta makinig lang" suggest ni Ana at kumuha sya ng kahon at mga papel at ballpen.
Nagsimula na kaming bumilog at binigyan kami ng kanya kanyang papel at panulat. Napatingin ako sa katapat ko at si Sen yun, agad naman akong umiwas ng tingin.
Medyo kakaunti kami—-siguro mga nasa 20.
"Ano isusulat mo Cap?" Tanong ni Nick.
"Tss di ko nga alam" sabi ko
Ang Childish naman neto! Pero kesa nakatunganga lang ako sa tent.
Nag-isip ako ng pwede kong isulat at di ko alam kung bakit yun ang naisulat ko.
Inilibot na ni Ana yung box at inihulog na naman yung mga papel namin dun. Inalog nya ito at pinabunot kami.
"Wag nyo munang bubuksan ha? Pag turn nyo ng magsalita tsaka nyo basahin. Reminder pag kilala nyo ang may-ari shut up nalang at wag magtuturo ha? And kung may maiiadvice kayo or comment go lang." sabi ni Ana.
![](https://img.wattpad.com/cover/121957284-288-k743432.jpg)
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...