F O R T Y - S I X

45 2 0
                                    

Patakbo naming tinungo ang papasok sa hospital ng makasalubong namin si Dino.

"Cj, Sen's looking for you"

Tumango ako.

"San ka pupunta?" tanong Lance.

"Kailangan ng magbabantay sa lil sister ko. Gotta go... Lance, Cj and Mox. Balitaan nyo nalang ako sa lagay ni Sen" sambit nya at nagpaalam.

"Ingat ka Dino Boi!" sigaw ni Mox.

Nanganak na kasi si Tita Alicia last year, medyo may problema pero maayos naman nyang nailabas si baby girl nila.

Pumunta na agad kami sa room ni Sen at andon silang lahat kinakausap sya.

"Owemji Sen!!" sigaw ni Moxie at agad niyakap si Sen na nakaupo sa kama nya. Lumapit din si Lance at kinamusta sya.

Nagtaka naman akong makita na nakamask sya at shades. Tsk akala nya ba hindi pa namin alam kung anong itsura nya.

"Lumabas si Tita Claudia para bumili ng pagkain" sabi sakin ni Damian.

"Sa labas muna kami Cj" paalam ni Markus at tinapik ako sa balikat at nagsisunudan nadin sina Jans, Nick, Damian. Sina Benj naman hinila si Moxie na ayaw bitawan si Sen at ganon din si Olly hinila nya paalis muna si Lance.

Kami nalang ni Sen ang naiwan dito.

Lumapit ako sa kanya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko.

"O-Okay lang.."

"May gusto ka bang kainin?"

"Ahm wala..."

Tumango lang ako at hindi na umimik.

"Bakit wala ka kanina? At anong nangyari dyan sa kamay mo? " tanong nya.

"Wala toh..."

"Hinanap kita... Akala ko ikaw agad makikita ko" sabi nya.

"Sorry" sambit ko nalang.

"C-Cloy galit kaba?"

Hindi ako umimik.

"Cloy kausapin mo ako--"

"Oo galit ako, pero hindi sayo. Sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta, na parang hinayaan kita maging ganyan. Pero nakakainis ka din e, sana nagsasabi ka, sana nagsasabi ka kahit konti... H-Hindi yung malalaman ko nalang na andito ka tapos ganyan ang lagay. Kung sinabi mo na uuwi ka sinundo sana kita... Sobrang nag-alala ako Sen... Sobra" sambit ko at nalamayan ko nalang na tuloy tuloy ang luha ko.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit saken yung makita na ganyan ang lagay mo... Iniingatan ka namin alam mo yun, please Sen kung nasasaktan ka, kung may dinadala ka magsabi ka, handa akong makinig alam mo yan. Hindi kita pinipilit p-pero wag mo naman ako pag-alalahanin ng ganto... A-Ang sakit sa p-puso e"sabi ko at napatungo.

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad ko at humikbi. Kanina ko pa pinipigilan na umiyak ng ganito....pero hindi kona kayang pigilan lalo na sa harap nya.

Naramdaman ko nalang ang kamay nya sa ulo ko.

Niyakap nya ako.

"Im so sorry Cloy..."

Niyakap ko sya pabalik.

"Please Sen, take care of yourself. Tawagan mo ako kung nasa panganib ka, dadating naman ako e kahit nasan ka pa...."

"Sorry. Hindi na mauulit--"

Bumitaw ako sa yakap.

"Talagang hindi na! Sisiguraduhin kong hindi na makakalabas yang sina Harby mga gago sila! At ikaw babae, diba malakas instinct mo? Anyare? Bat nakipagkita kapa kay Lexi?" inis kong sambit.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon